Charo Santos-Concio is nostalgic in newest career venture: ‘It’s a new adventure at 60’

The veteran actress is the new face for a beauty brand.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/16/2016 09:51 AM
Charo Santos-Concio is nostalgic in newest career venture: ‘It’s a new adventure at 60’
061616-Charo_main.jpgClassic at elegant ang grand launch ng ABS-CBN Chief Content Head at Maalaala Mo Kaya TV host na si Miss Charo Santos-Concio bilang bagong mukha ng Olay. 

Nag-share ang veteran actress ng kanyang naging experience sa muling pagharap sa camera bilang isang endorser na siya ring malaking bahagi ng kanyang pagsisimula sa showbiz noon. 

"It was great it was refreshing it was a bit nostalgic because when I was young, I started in modelling and endorsing small and big products and the photo shoot was like playtime for me. I had fun with my favorite photographer Mark Nicdao and it didn’t feel like work," kwento niya.  

Kahit marami na ang natanggap na awards at pagkilala sa kanyang mga ginampanan sa pelikula, kinakabahan pa rin si Charo sa kanyang latest endorsement kung saan ginampanan niya ang kanyang sarili. 

"I have played many roles in the many films that I’ve done but this time I am playing myself. I was conscious at first, a little tight and tensed, and then eventually I became comfortable and I really had fun. It’s a new adventure at 60," dagdag pa ng batikang aktres.

Di rin ikinaila ni Charo na dumaan siya sa maraming pressure at pagsubok sa buhay pero natutunan nya naman daw ito i-handle ng maayos. 

"Alam nila kapag gumanyan na ako (humawak sa batok), pero alam mo through the years, you acquire grace under pressure, you choose your battles and you don’t allow things to affect you personally," pagtatapos ni Charo.