• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson confirms rekindled admiration for Bea Alonzo

Gerald Anderson on doing scenes with Bea Alonzo: ‘Natutulala ako’

Gerald Anderson confirms rekindled admiration for Bea Alonzo

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/15/2016 08:35 AM
Gerald Anderson on doing scenes with Bea Alonzo: ‘Natutulala ako’
061516-gerald_main.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa Bandila, inamin ni Gerald Anderson na natutulala siya kapag kaeksena niya si Bea Alonzo. Lagi niya ngayong nakakasama si Bea dahil meron silang movie project. Ani Gerald, “natutulala ako kasi siyempre parang pinapanuod ko to sa movie tapos kaeksena ko na.” 

Nang tanungin siya kung “na-rekindle ang crush” niya sa aktres ang sagot ni Gerald ay, “siyempre yung admiration di naman mawawala yun talaga. I mean di ba, for one she’s very beautiful inside and out so yes, MJ.”

Bukod sa movie with Bea, mayroon ding upcoming na teleserye si Gerald at makakasama niya rito si Jake Cuenca at si Yen Santos. Gaganap si Gerald bilang isang mangingisdang Mangyan.

Busy rin si Gerald sa kanyang K9 search and rescue foundation.