• Home
  • Fresh Scoops
  • Janella Salvador says she still keeps in touch with Marlo Mortel and Jerome Ponce.

EXCLUSIVE: Janella Salvador says Elmo Magalona and Marlo Mortel have something in common

Janella Salvador says she still keeps in touch with Marlo Mortel and Jerome Ponce.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/15/2016 08:53 AM
EXCLUSIVE: Janella Salvador says Elmo Magalona and Marlo Mortel have something in common
061516-janella_main.jpgNami-miss na ni Janella Salvador ang paggawa ng pelikula kaya lang hindi raw talaga niya ito kayang isingit sa kanyang schedule ngayon dahil nagti-taping siya ng bagong soap opera ng ABS-CBN from Dreamscape Entertainment na Born For You kasama ang new Kapamilya actor na si Elmo Magalona.

Naging box-office hit ang pelikula ni Janella noong 2015 Metro Manila Film Festival na Haunted Mansion na first movie team-up din nila nina Marlo Mortel at Jerome Ponce.

“May naririnig naman po akong plano na meron ulit akong movie this year. May narinig po ako sa Regal, may narinig din po ako sa Star (Cinema), pero hindi ko pa sure kung alin do’n ang mauuna,” balita niya sa Push.com.ph.

Eh, sina Marlo at Jerome hindi ba niya nami-miss?

“Siyempre, nami-miss ko din sila. Nami-miss ko silang maka-bonding kasi siyempre, matagal din yung pinagsamahan namin, si Marlo, si Jerome. Nami-miss ko din sila pero we keep in touch naman. Nag-uusap pa rin kami minsan sa Viber,” sey pa niya.

Sa palagay ba niya, hindi talaga destiny tumagal ang love team nila ni Marlo kaya siya napunta kay Elmo?

 “Hindi ko pa naman masabi. So many things can happen, feeling ko marami pang puwedeng mangyari kasi I’m still young. I’m just hoping for the best right now for my show with Elmo,” paliwanag ng dalaga.

Ikinuwento rin sa amin ni Janella na may ugali si Marlo na nakikita niya rin ngayon kay Elmo.

“Hay naku, actually isa lang. Meron akong napansin, pareho silang antukin. Pag nasandal sila sa kahit saan, tulog na. Pareho silang ganu’n,” natatawa niyang kuwento.

“Yon lang… yon pa lang naman ang napansin ko,” dagdag niya.

Biglang naging seryoso ang usapan namin nang pinag-usapan na ang tungkol sa daddy niyang si Juan Miguel Salvador.

“Okey lang naman kami. Hindi kami masyadong nag-uusap. As much as possible, ayoko na lang siyang banggitin kasi… iwasan ko na lang, parang ayaw niya din kasi.

“Si mommy, she never badmouthed my dad ever. She always tells me kung ano talaga yong truth. Never siyang nag-lie sa akin sa kinalalagyan namin ng dad ko. Yon naman ang na-appreciate ko sa mom ko,” paliwanag niya.

Eh, paano kapag in-approach siya ng daddy niya at niyayang makipag-bonding, anong gagawin niya?

“Ah… actually, yon naman talaga ang hinihintay ko, eh… yon lang naman. Ako, I’m open, I’ve been trying to approach him naman.”

Dedma ba ang dad niya?

“Nagre-reply naman, pero as much as possible, yon nga, hindi ko na lang siya babanggitin,” sagot niya.

Magsisimula na ang Born For You sa primetime bida sa June 20.