Pinoy Fashion Designers support incoming President Rodrigo Duterte

World-class Pinoys honored at Pinoy Pride Ball.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/14/2016 08:50 AM
Pinoy Fashion Designers support incoming President Rodrigo Duterte


061416-Worldclasspinoyr_PUSH.jpgSa ulat ni Gretchen Fullido para sa TV Patrol, kinilala ang mga Filipino na world-class ang talent sa Pinoy Pride Ball na ginanap sa Taguig. Ika-pitong taon na diumano ito ng pagbibigay parangal sa mga tinaguriang “world-class Pinoy.” 

Kabilang sa mga pinarangalan sina international singing sensation Charice Pempengco, Berlinale-winner director Lav Diaz, Asia’s Got Talent grand winner El Gamma Penumbra, Ms. Universe Pia Wurtzbach, West End star Rachelle Ann Go, at Cannes Best Actress Jaclyn Jose. 

Nagbigay naman ng komento si Jaclyn tungkol sa pagpapakiusap ni incoming president Rodrigo Duterte kay Aiza Seguerra na tumulong sa pagsulong ng Arts and Culture sa bansa. Aniya, “kung sa sining si Aiza ay maging parte, tagumpay nating lahat yun.” 

Nakikiisa rin ang pinoy fashion designers kay Duterte lalo na’t ramdam nila ang suporta nito sa LGBT community.