• Home
  • Fresh Scoops
  • Lloyd Umali set to release new single after more than a decade.

EXCLUSIVE: Lloyd Umali returns to recording music

Lloyd Umali set to release new single after more than a decade.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/14/2016 08:57 AM
EXCLUSIVE: Lloyd Umali returns to recording music
061416-lloyd_HEAD.jpgNagbabalik sa music scene ang tinaguriang Michael Bolton of the Philippines na si Lloyd Umali. Nag-launch siya ng kanyang bagong kanta titled “Bakit Ka Pa Bumalik” produced by 8 Trimedia Productions.

Bakit nga ba siya nawala sa industry?

“Hindi naman sa nawala, last time ko kasi is yung sa Viva, eh. Yon ang pinaka-last na recording ko, 2003 pa yon. Ni-revive ko lahat ng kanta ng babae,” balita niya sa amin.

Eh, bakit nga ba ngayon lang siya nag-decide mag-comeback?

“Hindi naman actually comeback sa music scene, hindi naman nawala yung pagkanta-kanta, eh. Tyumempo lang na nakahanap ako ng magandang kanta tapos tinayming (timing) ko rin yung duet namin ni Ima (Castro). Never kasi kaming nagkaroo ng follow-up do’n sa ‘Nanliligaw/Naliligaw’ namin noong 1994 sa Polyeast Records.”

Ang hit duet song nila ni Ima ay kasabay rin halos ng kanta niyang “Bakit Kung Sino Pa” na talaga namang sumikat nang husto.

Ano nga ba ang pinagkaabalahan ni Lloyd nu’ng pansamantala siyang nawala?

“Singing pa rin siyempre. Tumira kami sa Japan, eh. Do’n ako kumanta, special shows lagi. Ang tagal din namin do’n, eh,” sagot niya sa aming tanong.

Excited din si Lloyd sa muli niyang pakikipagtrabaho sa itinuturing na niyang kapatid na si Ima Castro. Kahit close friend, hindi naman daw sila na-link sa isa’t isa.

“May individual partners kami kaya malabong mangyari yon. Pag nasa stage nga kami at merong show, pag medyo nagkukulitan, awkward na yung pakiramdam namin. Parang incest na. Hahaha! Kasi nga, hindi naman kami na-involve romantically,” paliwanag ng singer.

Sa bagong song ni Lloyd na “Bakit Ka Pa Bumalik” ay maririnig pa rin ang magandang timbre ng kanyang boses na ala-Michael Bolton pa rin. Ano nga ba ang sikreto ng unique niyang boses at paano niya ito name-maintain hanggang ngayon?

“Wala namang sikreto. Hindi lang ako naninigarilyo. Umiinom ako ng alak paminsan-minsan, pero hindi yung patayan talaga. Ang parang secret ko lang na hindi ko alam kung puwedeng i-apply ng ibang singers ay yung pag-inom ko ng malamig na tubig na may ice. Pakiramdam ko kaya malamig ang boses ko, eh, dahil do’n, hahaha!” pahayag pa ni Lloyd.