• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Soberano says she would feel honored if ever she’ll receive an offer.

Liza Soberano clarifies she did not get an offer to play Mary Jane on “Spider-Man”

Liza Soberano says she would feel honored if ever she’ll receive an offer.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

06/13/2016 06:17 PM
Liza Soberano clarifies she did not get an offer to play Mary Jane on “Spider-Man”
061316-LizaSoberano_PUSH.jpgUsap-usapan ngayon na nabigyan daw ng offer ang Dolce Amore star na si Liza soberano ng offer na gumanap bilang Mary Jane Watson sa pelikulang “Spider-Man.” Mariin naman itong itinanggi ng batang aktres at saka sinabi kay ABS-CBN News reporter MJ Felipe na mukhang mga fans niya ang nagbigay ng idea na ito.

“It’s not really an invitation. I think it was what the fans wanted lang, fans of Marvel. I think one of them is Pinay and parang she tweeted that, parang kung merong magiging Mary Jane Watson, she would want it to be me. All my fans started retweeting it and everything but wala naman po talagang invitation.”

Pero kung siya naman daw ay bibigyan ng pagkakataong gampanan ang role, buong puso niya itong tatanggapin.
“[Kung meron], I would love that. That would be a nice opportunity,” saad ng aktres.

Sinusuportahan rin ng onscreen partner ni Liza na si Enrique Gil si Liza kung sakaling makakuha siya ng offer.

“If it is a good opportunity para sa kanya, go na go ako. Tamang tama dahil 'yung mom niya, favorite superhero si Spider-Man,” ika ni Enrique.