• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Trina Legaspi she’s okay playing second lead to Kiray Celis

EXCLUSIVE: Trina Legaspi she’s okay playing second lead to Kiray Celis

The former Goin’ Bulilit star says there’s nothing wrong with accepting supporting roles.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/13/2016 12:40 AM
EXCLUSIVE: Trina Legaspi she’s okay playing second lead to Kiray Celis


061316-TrinaLegaspi_PUSH.jpgWalang pakialam si Trina “Hopia” Legaspi kung support lang ang role niya kay Kiray Celis sa pelikulang I Love You To Death ng Regal Films. Si Kiray ay dating ka-batch ni Trina sa Goin’ Bulilit ng ABS-CBN.

“Wala naman pong kaso yon,” sabi agad niya sa Push.com.ph.

“Masaya ako para kay Kiray. Deserve niya naman yon, eh, ang magbida, and as much as possible, ayoko rin kasing i-compare yung sarili ko kay Kiray.

“Hard working naman po si Kiray, eh. Tapos nag-iisa po siya, eh. Siya lang po talaga si Kiray – yung comedy niya parang si Eugene Domingo. Yon po yun path niya.”

Masarap din daw sumuporta sa isang kaibigan.

“We’re friends po, okay kami, yung relationship namin, okay. Kumbaga, wala namang masama sa pagiging support kasi gusto ko naman yung role ko bilang isa sa mga mean girls na nanlalait kay Kiray.    “Saka very me yung role ko na mahilig sa pagkain, ganu’n… So masaya siya kasi good vibes lang yung role,” paliwanag pa niya.

Sunud-sunod ang pelikulang ginagawa ni Trina ngayon. After Pare Mahal Mo Raw Ako ay napasama siya sa I Love You To  Death. Ngayon ay part din siya ng pelikulang Kusina ng Cinemalaya na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

“Saktong-sakto din lang po kasi pagka-graduate dire-drietso lang din yung projects and honored ako na maging young Judy Ann talaga kasi ang ganda din po nu’ng role ko don sa movie niya. Period film siya and very challenging yung roledrama, na-explore ko yung acting skills ko dito sa Kusina,” kuwento niya tungkol sa bagong project.

Malaking factor daw ang training ng Goin’ Bulilit para magawa niya nang maayos ang bawat role na naa-assign sa kanya ngayon.

“Dahil po sa Goin Bulilit, ngayon parang alam na alam ko na rin po yung timing sa comedy. Ang laking bagay po talaga nu’ng mga natutunan ko sa Goin’ Bulilit,” pagmamalaki pa niya.

Umaasa din si Trina na mabibigyan ng lead role sa pelikula at handa raw siyang maghintay para dito.

“Never pa rin po akong nagli-lead sa movie, so hopefully po, one day, maging lead din po ako sa movie, magkaroon ng mga gwapong leading man katulad din po ni Kiray.

Feeling ko po kasi nagsisimula pa lang ulit ako, eh, kasi ang tagal ko rin pong natengga. So, okay lang po yon na support-support lang ako sa iba pang movies. Kung anumang i-offer, go! Accept lang nang accept,” katwiran pa ni Trina.