• Home
  • Fresh Scoops
  • The senator-elect also divulges he was never an honor student in school.

Senator Richard “Dick” Gordon explains why Vice-Ganda is not an “artista”

The senator-elect also divulges he was never an honor student in school.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/13/2016 01:11 AM
Senator Richard “Dick” Gordon explains why Vice-Ganda is not an “artista”
061316-DickGordon1_PUSH.jpgSa Gandang Gabi Vice, pinakita ni Senator Richard “Dick” Gordon ang kanyang lighter side na hindi gaanong nakikita ng publiko. 
 
Una pinaliwanag niya kung bakit ang nickname niya ay “Dick.” 

“Sa ibang bansa tulad ng William ang tawag nila Billy, Margaret ang tawag nila Peggy, pagdating sa Richard, siyempre hard e, kailangan Dick… kapag ikaw ay hard worker, yayaman ka, titindig ka, at parati kang manininidigan,” ani niya.  

Ni-reveal din ni Sen. Gordon na 48 years na siyang kasal sa kanyang asawang si Kate. Nang tanungin kung siya ay nagtaksil na sa kanyang asawa, sabi niya, “Siyempre hindi ka magtataksil. Hindi ka aamin.” 

Bawi pa niya, “The important thing is not that. The important thing is mahal mo ang asawa mo. Period. Forever and ever. 48 years.” 

Hindi rin daw siya tumitingin sa iba, kasi sabi ni Sen. Gordon, “Ako ang tinitingnan.” 

Kilala si Sen. Gordon sa kanyang pagiging matulungin, at pagbibigay ng mabilis na serbisyo lalo na panahon ng mga sakuna. Isa rin siyang exemplary politician. Pero kwento niya, “never” siya naging honor student.  

“Bumagsak pa ako ng second year Law. I repeated.” 

Nang tanungin siya kung bakit, sinabi niyang, “May kapilyuhan ng kaunti. Nauuna yung manuod ng sine, nauuna yung manuod ng basketball.” Pero paliwanag ng senador, “ang importante kapag nagbulakbol ka at natuto ka, napaso ka, pag balik mo talagang seryoso ka.” 

Ayon pa kay Sen. Dick, hindi isang artista si Vice-Ganda kundi isang “creative human being.” Paliwanag niya sa pagkakaiba ng dalawa, “Ang artista peke e, pwedeng umiyak akala mo totoong umiiyak…pero a creative human being lumilikha siya ng mga emosyon na dapat maramdaman ng tao para alam nila kung ano ang nangyayari sa buhay.”

Kumanta rin si Sen. Dick ng “The Impossible Dream” pero naging “very emotional” siya dahil kinakanta diumano ito ng tatay niya kaya itinigil na lang din niya ang pagkanta nito.