• Home
  • Fresh Scoops
  • Mr. Pastillas Richard Parojinog says he and Angelica Yap are now just close friends.

Mr. Pastillas Richard Parojinog says things didn’t work out for him and Angelica Yap

Mr. Pastillas Richard Parojinog says he and Angelica Yap are now just close friends.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/12/2016 10:55 AM
Mr. Pastillas Richard Parojinog says things didn’t work out for him and Angelica Yap

061216-Richard_push.jpgLumikha ng impact sa personal na buhay ni Mr. Pastillas Boy Richard Parojinog ng It’s Showtime ang pagkakapili sa kanya ni Pastillas Girl Angelica Yap bilang winner ng kanilang dating game sa noontime show ng ABS-CBN.

Ayon kay Richard, nagbago ang tingin sa kanya ng mga tao at nakatulong ang pagiging Mr. Pastillas niya para maging proud ang kanya ng mga kababayan.

“Sobrang life changing po kasi nu’ng dati, normal na tao lang naman ako tapos ngayon may nakakakilala na. Saka pag umuuwi ako sa probinsya namin (Ozamis at Cebu), parang hindi na normal. Sinusugod kami sa bahay, nagpapa-picture.


“Hindi naman ako sanay sa ganu’n. Yon sobrang life changing po saka parang nakakatayo na ako on my own. Yung mga gigs ko kasi, nagkakapera na ako do’n,” masayang simula ni Richard sa Push.com.ph.

Kumusta naman ba sila ni Pastillas girl pagkatapos ng Showtime? May communications pa ba sila?

“Meron naman po,” sagot niya. “Nagkaroon din naman kami ng show noon, yung Showtime Online, kami yung nag-host with Ate Darla (Sauler), two months din yon tapos after that sinabihan kami na maghintay kasi baka may projects pa daw na ibigay yung Showtime,” patuloy niya.

Eh, bakit hindi niya itinuloy ang panlilgaw kay Pastillas Girl? Hindi ba niya ito type?

“Hindi naman po sa hindi ko siya type, parang hindi lang po siguro kami nag-work out dalawa. Saka hindi naman po lahat ng bagay na gusto natin ay puwedeng mangyari porket ako yung napili.

“Gusto ko po si Angel dati. Gusto ko naman po siya kaya lang, parang… nagkakilala na kami parang naging close friend na lang kami.

“Baka di po talaga kami yung… contrast kasi yung ugali namin. At saka may mga bagay din po siguro na mahirap talagang ipilit,” pagtatapat ni Richard.

After Showtime, nagkaroon ng idea si Richard na pasukin na rin ang showbiz. Habang wala siyang ginagawa, sumabak muna siya sa acting workshop.

“Sabi ko, ‘Why not try, di ba?’ Kung wala naman pong mangyari, may pupuntahan pa naman ako. Puwede naman akong magtrabaho. So, sa ngayon na wala akong ginagawa nagwo-workshop (acting) po muna ako sa Star Magic.”

Magiging member din dapat ng Hashtags si Richard kaya lang hindi ito natuloy.

“Hindi kasi ako marunong sumayaw. Ayaw ko namang ipilit ang sarili ko sa grupo. Hindi ko naman kasi talento yon. Kung may mga singing activities siguro, puwede ko namang i-grab yon, pero sa dancing hindi ko talaga kaya yon, eh. Singing at acting siguro, puwede ako.

“Pa-quit na po sana ako after nu’ng sa Showtime, kaso may nag-advice sa akin na bakit di ko raw subukan, marami raw nanganarap na masubukan yan (showbiz). Sabi ko, tama nga naman, bata pa naman ako. Ngayon po, I ‘m still hoping na mabigyan ng proyketo… kahit hindi po ganu’n kasikat, basta may proyekto lang po para naman matulungan ko si mama,” pahayag ng binata sa Push.com.ph.