• Home
  • Fresh Scoops
  • JayR and Kris Lawrence prefer to perform OPM for Pinoys abroad.

JayR and Kris Lawrence all set for OPM world tour

JayR and Kris Lawrence prefer to perform OPM for Pinoys abroad.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/12/2016 10:37 AM
JayR and Kris Lawrence all set for OPM world tour
061216-Jay-R_push.jpgUnang subok sa pagpo-produce ng concert ng grupo ni JayR at ito ang Original Music Only na sisimulan na ang US leg ng kanilang world tour. Satisfied si JayR sa unang performance nila sa Guam at tuloy-tuloy na ang iba pang venues ng concert.

"What’s good about this is kagagaling lang namin ni Kris (Lawrence) sa Guam and sold out ang show namin doon at excited na kami sa US leg ng tour na ito." 

Nakakatuwa na ang mga Fil-Am singers gaya nina JayR at Kris Lawrence ang nakaisip ng ganitong konsepto. Sabi nga ni Kris, ito ang paraan nila na mapaangat ang OPM.

"Isa ito sa plans talaga namin to elevate OPM music worldwide. Kapag kinakanta namin ang OPM hits sa mga OFWs, doon kitang kita namin na miss na miss na nila ang Pilipinas."

Dahil sa magandang resulta, masusundan pa ng maraming concerts na ipo-produce ang kampo ni JayR. "Ito ang unang self-produced concert and we are very humbled by the results. Nakaka-proud as an artist at nakaka-fulfill din. Parang risk din noong una kasi lagi ang gusto mga top 40 songs pero eto sinubukan namin and nag work naman."

Kasama rin sa Original Music Only sina Robin Nievera, Mika Javier, at Q-York. Magaganap ito sa June 17 San Diego; June 18 Los Angeles; June 24 San Francisco; June 25 New York; July 2 Las Vegas.