• Home
  • Fresh Scoops
  • The actor also said he is focused on his work despite break up with Samantha Lewis.

Enchong Dee compares Kiray Celis with former leading ladies Maja Salvador and Erich Gonzales

The actor also said he is focused on his work despite break up with Samantha Lewis.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/13/2016 01:12 AM
Enchong Dee compares Kiray Celis with former leading ladies Maja Salvador and Erich Gonzales
061316-EnchongKiray_PUSH.jpgMasayang experience para kay  Enchong Dee ang gumawa ng pelikula sa bakuran ng Regal Films. Si  Enchong ang leading man ni Kiray Celis sa pelikulang I Love You To Death na ipapalabas na sa July 6.

“This is my first time with Regal pero sobrang nag-enjoy ako kasi yung movie outfit ni Mother Lily (Monteverde), iisa yung purpose, yung determinasyon sa pag gawa ng pelikula. Everything is proper, everything’s organized, the actors are prepared, the directors, the staff, so sabi ko, ‘Ah, it’s the same pala (with Star Cinema).

“Pati actors, kahit galing sila sa iba’t ibang management, kapag mahal mo yung trabaho, iisa lang ang working attitude n’yo, eh. Walang pa-diva, walang pahirap, so naging madali, naging fluid yung takbo ng shooting,” kuwento ng aktor sa karanasan niya sa Regal.

Na-surprise din daw siya sa attitude ni Kiray towards work habang ginagawa nila ang I Love You To Death.

“Hindi ko akalain na ganu’n na pala siya magtrabaho ngayon. Kasi siyempre, dati nakakasama ko lang siya sa ASAP, sa mga live shows, and then only to realize na… I think, siguro dahil Star Magic din siya, so yung training niya din iba.

“They have the same attitude sa work nina Erich (Gonzales), Maja (Salvador), yung mga nakatrabaho ko dati. Hindi siya nalalayo and siyempre, bida siya dito and kailangan niya talagang mag-step-up. And sa tingin ko naman nabigay niya kasi ginawa niya talagang lahat,” deskripsyon niya kay Kiray.

Enchong is celebrating his 10th year sa showbiz ngayong 2016 kay nag-decide daw siya ulit tumanggap ng trabaho.

“With or without break-up (sa girlfriend), parang I really need to work simply because it’s my 10th  year. Sabi ko nga, it’s my 10th film for my 10th year, so sabi ko, I really need to go back to  my strength and  where the people embraced me before which is movie, TV, that’s why I’m doing all of it.”

Ayaw namang isisi sa nakaraang relasyon ni  Echong kung bakit for a while ay hindi siya nakapag-focus sa work niya?

“Siguro naiba lang yung focus, pero ayoko kasing isisi sa relasyon yung  nangyari sa akin. Kumbaga, ako rin mismo ang may kasalanan do’n, eh, di ba? Naging choosy din ako sa mga gagawin kong proyekto,” say pa niya.

Hindi naman diretsang inamin sa amin ni Enchong ang tunay na dahilan ng break-up nila ng kasintahan.

“Kailangan ko lang siguro talagang i-divert lahat ng atensyon ko, yung time ko to my work. Ayoko kasing sabihin na na-distract ako ng lovelife, eh, but I guess I was focused on a lot of things – travel, relationship, a little bit of work, tapos nag-host pa ako, nag-album ako – so parang ang dami kong ginawa na hindi ko na alam kung saan ako… kung ano yung gusto ko talaga.”

Nanghinayang ba siya na napabayaan ang career ng dalawang taon?

“Wala rin, because during those two years na when I was on break hindi ko rin talaga gusto… that’s why I venture into hosting, into album because that is what I really love during that time and ayokong gumawa ng isang proyektong wala naman do’n yung puso ko na buung-buo.

“Hindi sa akin disappointment yung two years na ginawa kong break. It’s more of a breather to me kasi na-drain ako kasi sunud-sunod din yung proyekto ko nu’ng time na yon. Nagpe-pelikula, nagso-soap, so parang hindi na ako masaya sa ginagawa ko.”

Confident naman si Enchong nang sabihin niyang hindi siya natakot sa pagsulpot ng mga bagong leading man sa ABS-CBN.

Hindi rin ako na-bother na may mga pumapasok na bago simply because I know what I can do,” rason pa niya.