Mercedes Cabral lauded in the Middle East for her acting

Mercedes Cabral wows Middle East teleserye viewers

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/11/2016 08:51 AM
Mercedes Cabral lauded in the Middle East for her acting
061116-mercedes_main.jpgSa Trending Balita mula sa Bandila, bilib ang mga manunuod sa Middle East kay Pinay Indie Princess Mercedes Cabral dahil sa mahusay na paganap nito sa isang teleserye. 

Ang pamagat ng teleserye sa Ingles ay The Bamboo Stalk at hango ito sa isang nobela na nanalo ng international prize for Arabic fiction noong 2013. Istorya ito ng pag-iibigan ng isang kasambahay (karakter ni Mercedes) at ng isang Kuwaiti. Ipinaglaban nila ang kanilang pag-ibig sa kabila ng paghadlang dito ng pamilya ng lalaki.

Nakagawian diumano ang panunuod ng teleserye sa Middle East tuwing panahon ng Ramadan.

Marami ang nakaka-relate sa istorya at marami ring pumuri sa galing sa pag-arte at ganda ni Mercedes, Pinoy man o Muslim.