• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiray Celis and Enchong Dee share details of their kissing scene

Kiray Celis and Enchong Dee share details of their kissing scene

Kiray Celis and Enchong Dee reveal details from their new movie ‘I Love You to Death.’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/11/2016 10:48 AM
Kiray Celis and Enchong Dee share details of their kissing scene


061116-chongki_main.jpgMakulit at puno ng laglagan ang naging interview ng entertainment press sa bagong "ChongKi" tandem nina Enchong Dee at Kiray Celis na bida sa pelikulang I Love You To Death ng Regal Entertainment.

Kuwento ni Kiray, naiyak siya habang kinukunan ang kanilang kissing scene ni Enchong. "Palubog na kasi ang araw noon at naghahabol na kami sa shoot tapos inis na inis ako sa sarili ko kasi paulit-ulit na pinapagawa ang kissing scene namin."

Nagsilbing cheering squad daw ang staff at co stars sa pelikula para ma perfect na ang eksena.

Si Enchong, sinadya naman daw na di nag-toothbrush. "Lagi kasi nagdadala sila Kiray ng siomai na gawa ng tatay niya kaya sinadya ko talaga na di mag-toothbrush para malasahan nya ang chili garlic oil na sawsawan ng siomai."

Nagkaroon naman ng comparison sa pagitan nila Derek Ramsay at Enchong na kapwa na nakahalikan ni Kiray on screen. Palakpakan ang lahat sa sagot ni Kiray kung sino ang mas magaling humalik. "Mas okay si Enchong kasi pati upper lip ko kini kiss nya at malambot ang lips ni Enchong," mataray na pagtatapos ni Kiray.