• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo, Dominic Roque, and Bb. Pilipinas beauty queens share why they think getting an education is important.

Celebrities share thoughts on importance of education

Kathryn Bernardo, Dominic Roque, and Bb. Pilipinas beauty queens share why they think getting an education is important.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/10/2016 09:04 AM
Celebrities share thoughts on importance of education
061016-schoo1_main.jpg

Back to school na ang karamihan ng mga kabataan ngayong June 13 at kasama nilang babalik sa eskwelahan ang ilan sa kilalang mga personalidad na binibigyang halaga ang kanilang edukasyon. Tinanong natin ang ilan sa kanila ng kanilang personal na opinyon kung paano nila binibigyang oras ang pag-aaral sa kabila ng kanilang busy schedule sa showbiz.

061016-kathryn_main.jpg

Si Kathryn Bernardo na kumukuha ng kursong BSBA in Marketing sa isang college sa Taguig, advance na kinukuha ang kanyang requirements sa school para kahit magsisimula na ang shooting ng kanilang pelikula ni Daniel Padilla, nakaka-catch up pa rin siya sa kanyang lectures. "Nagkaroon po ako ng meeting sa mga teachers ko sa school na mayroon mga kailangan i-pass na requirements bago daw ako magsimula ng movie. Sabi ko once na magsimula parang ang hirap na pagsabayin."

061016-jennifer_main.jpg

Ang mga beauty queens ng Binibining Pilipinas, annual na nagbibigay school supplies sa less fortunate children sa iba’t-ibang lugar. Ibinahagi ni Jennifer Hammond, 2016 Binibining Pilipinas InterContinental na randam nya ang ambisyon ng mga bata na makatapos ng pag-aaral. "Kanina sinabi ng mga bata na marami silang pangarap. May mga gusto mag-nurse, mag-duktor, maging beauty queen. So yun ang gusto namin mangyari sa kanila kaya ginagawa namin ang outreach program na ito."

061016-joana_main.jpg

Si Joanna Eden naman, 2016 Binibining Pilipinas Miss Supra National, ipinaalam sa kabataan na mahalaga na makatapos ng pag-aral. "I think education is really important no matter what field you’re going into, whether be it medicine or a beauty queen. Everything. Education is the best foundation for the kids."

061016-dominic_main.jpg

Ang aktor na si Dominic Roque na nakatapos ng kursong Tourism, nagawang pagsabayin ang showbiz at college dahil alam nya na ito ang kanyang magiging fallback kapag ‘di na aktibo bilang artista. "Kahit kaming mga nasa showbiz importante pa rin ang education bukod sa kumikita kami ng pera sa ngayon. Kailangan pa rin namin mag-aral at makatapos kasi kumbaga hindi naman pang habang buhay ang showbiz," sabi pa ni Dominic.