
Pinagtanggol naman siya ng netizen na nagngangalang Wilbert Brandon N Travis at sinabing bigla na lang daw may sumuntok kay Baron sa tapat ng Guilly’s Bar sa may Tomas Morato kaya’t nagalit ito at sinusubukang pakalmahin ng mga bouncer ng nasabing establisyimento. Nakita sa video na sinisigawan ng aktor ang isang sasakyang paalis na ng ‘Bakla ka!’
Nakatakda ang URCC cage fight nina Baron Geisler at Kiko Matos sa June 25 sa The Palace Pool Club, kung saan magtutuos ang dalawa para matapos na ang kanilang hidwaan na nagsimula din sa isang bar.

