• Home
  • Fresh Scoops
  • The singer also reacts on Michael having a son from a previous relationship.

Garie Concepcion surprised with Michael Pangilinan’s admission they are a couple

The singer also reacts on Michael having a son from a previous relationship.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/01/2016 09:34 AM
Garie Concepcion surprised with Michael Pangilinan’s admission they are a couple
060116-MichaelGarie_PUSH.jpgHindi alam ni Garie Concepcion na aaminin ni Michael Pangilinan on national TV ang relasyon nila nang mag-guest ito sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN para i-promote ang pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako.

Ito ang inamin ni Garie nang makausap siya ng Push.com.ph sa isang resto bago magsimula ang premiere ng Pare Mahal Mo Raw Ako sa SM Megamall kagabi (May 31).

Ang ba ang naramdaman niya sa biglang pag-amin ni Michael na mag-on sila?

“Siyempre po, masarap sa pakiramdam na merong isang tao na proud to be with you. Nagulat nga ho ako, hindi niya sinabi sa akin yon.

“Sinabi niya lang sa akin na, ‘manood ka, nakakatuwa yung interview.’ Wala akong alam, eh. So sabi ko, sige manonood ako. Tapos nagulat ako pati mommy ko,” kuwento ni Garie.

Eh, ano ba ang naging reaksyon ng mommy niyang si Grace Ibuna sa ginawa ni Michael?

“Si mommy, sabi niya, ‘naku, naku, pinagpapawisan ako, teka muna.’ Siya yung mas kabado, ako nagulat lang.

“Si Michael ho kasi talagang nanligaw for 5 months. Umaakyat talaga siya ng ligaw. At saka ang niligawan niya talaga ay yung family ko lalo na si mommy. Si mommy naman po, alam ko kapag hindi niya gusto ang isang lalaki for me kasi sinasabi niya. With Michael po, magkasundo naman silang dalawa,” pagtatapat pa niya.

Ayon pa kay Garie, isang buwan pa lang ang relasyon nila ni Michael.

“Bago pa lang po talaga,” nakangiti niyang pahayag.

Pang-ilang boyfriend ba niya ang singer-actor?

“Actually pangalawa. Pangalawa pa lang po. Kasi yung iba naman, never naging kami. The last one ko po... naku matagal na po, college pa po, mga six years ago.”

Choosy ba siya kaya hindi agad nagka-boyfriend after 6 years?

“Hindi naman po sa choosy, maingat lang po. Kasi siyempre I know what it likes na ma-broken hearted so I think yung mga  next ko na date ko, eh, mas guarded ako.”

Ano ba ang nagustuhan niya kay Michael?

“He’s very real. Hindi po siya pretensyoso. Kung ayaw niya, ayaw niya. Kung gusto ka niya sasabihin  niya. Kung may gusto siyang gawin  para sa yo, sinasabi at ginagawa niya.

“Pero kung meron man po akong na-appreciate talaga kay Michael is yung kung paano niya minahal yung pamilya ko. Sobrang malambing po siya,” pagde-describe ni Garie sa boyfiend.

Naging isyu ba sa kanya na meron ng anak si Michael?

“For me po kasi, hindi siya naging isyu kasi nangyari yon, nagkaanak siya before we met, so iba po sana kung niligawan niya ako tapos biglang nagka-baby. At saka, who am I to judge po?  I’ve had a stepfather who accepted me like their own child.

“And right now, I have a stepmom, yung wife po ni papa (Gabby Concepcion) who accepts his children na parang anak niya rin. So, wala na po yon sa akin. Old news na, ‘di ba po? Ako pa ba ang magja-judge?” pagtatapos ni Garie.