• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia shares what has happened to his friendship with Loisa Andalio and Jane Oineza.

EXCLUSIVE: Is Joshua Garcia dating anyone?

Joshua Garcia shares what has happened to his friendship with Loisa Andalio and Jane Oineza.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/09/2016 10:09 AM
EXCLUSIVE: Is Joshua Garcia dating anyone?
050116-Joshua_up.jpgTwo years nang walang girlfriend si Joshua Garcia. Bago pa man daw siya pumasok sa Pinoy Big Brother house noon ay wala na siyang karelasyon.

Hindi rin naman magiging sila ng ka-loveteam na si Loisa Andalio dahil bata pa ang dalaga at pinagbawalan din siya ng tatay nito. Buti nakakaya niyang maging single?

Kaya naman. Inspirasyon-inspirasyon lang. Pagka halimbawa ka-partner mo, siyempre hindi maiiwasan na maging inspirasyon siya para maganda yung labas n’yo sa TV.

Puwede ka namang ma-inspire lalo na do’n sa kasama mo, basta huwag mo lang sabihin sa kanya. Ha-ha-ha. Kunyari, para sa yo girlfriend mo siya, para nai-inspire ka sa lahat ng ginagawa mo,” katwiran pa niya.

Eh, ano naman ang reaksyon niya nali-link ngayon kay Arjo Atayde ang dati ring nali-link sa kanya noon na si Jane Oineza?

Suportado ko naman siya, eh, kung anong gusto niya. Siyempre, sino ba naman ako, di ba? Kaibigan lang naman niya ako kaya wala akong magagawa don kundi suportahan lang siya,” tugon niya.

Close pa ba sila ni Jane?

Hindi na kami masyadong nagkikita ngayon, eh. Ang tagal na. Last naming pagkikita nung isang go-see pa, yon na yung last tapos di na naulit. Busy rin siya, eh,” sabi pa niya.

Bagama’t hindi sila magkapartner ni Loisa sa teleserye, masaya naman si Joshua na suportado pa rin sila ng Loishua fans.

Siyempre, hindi nila naiwasan na malungkot. Pero nakikita ko rin yung tweet nila na kahit na-pair ako sa ganito o si Loisa sa iba, okey pa rin sa kanila. Sabi nila, susuportahan daw nila kami kahit magkahiwalay pa kami o kahit individual pa.

Pero siyempre mas masaya sila kung kami ang magkapartner... May chance naman na mag-partner ulit kami, meron naman. Kaso ngayon, hindi rin po namin masabi yung plano ng ABS, eh. Kasi mamaya biglang may ganito palang show, tapos kami pala yung magkasama.

May ganun po kasi sila, eh. Yung mabibigla na lang kami. Pero ngayon po, may soap akong gagawin pero hindi si Loisa ang partner ko. Confidential pa po,” pahayag pa niya.

Hiningi na rin namin ang reaksyon ni Joshua sa sinasabi ng marami na kamukha siya ni Alden Richards. Ano ba ang reaksyon niya dito?

Ang dami pong nagsasabi. Siyempre, masaya din ako kasi si Alden na yan. Pero  wala na rin akong sinasabi kasi siyempre, taga-ibang channel siya, pero okey lang sa akin kasi kung yon yung nakikita nila,” paliwanag pa ng binata.