• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado will be doing a psycho thriller film with director Jerrold Tarog.

Iza Calzado reveals she has breast exposure in her next movie

Iza Calzado will be doing a psycho thriller film with director Jerrold Tarog.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/08/2016 12:35 AM
Iza Calzado reveals she has breast exposure in her next movie
050716-iza.jpgWholesome na may temang pulitika ang latest movie ni Iza Calzado kasama sina Shaina Madayao at Derek Ramsay na My Candidate na showing on May 11.

Pero hindi na ganu’n ka-wholesome ang susunod niyang movie project under the direction of Jerrold Tarog of the Heneral Luna fame. Kahit psycho-thriller ang pelikula, pumayag si Iza na magkaroon ng breast exposure dito.

“Makikita niyo na lang. Some parts. Actually, it’s more sensual than sexy. Pero ano kasi siya, eh, marami talaga siyang nudity but not just for me, sa isang alaga rin ng manager ko (Noel Ferrer), si Adrian Vergara.”

Ano ang ginagawa niyang paghahanda sa breast exposure scene niya?

“Kailangan ba ng preparation? Di na kailangan. Ready na tayo,” sagot niya.

So, tanggal nang tanggal na lang ng damit?

“Hindi naman. Basta bahala na si Batman,” sabi ulit ni Iza.

“I think I’m a bit of a risk-taker. Para sa akin, work is work. As long as the role is kind of fun or challenging, I’m going to accept it. It doesn’t matter,” katwiran niya.

Eh, ano naman ang reaksyon ng BF niya sa bagong role na gagawin?

“I don’t know, he’s very cool, he’s very dedma even his parents, I’ve already told them,” matipid niyang reaksyon.

Samantala, may bago ring teleseryeng gagawin si Iza sa ABS-CBN with Bea Alonzo.

Sobrang excited ko to work with Bea kasi ang tagal na naming gustong magkatrabaho talaga. And this is the perfect project. Ang ganda nung story. And I believe it’s Ma’m Charo (Santos) project, so talagang I’m so honored to be part of the soap,” kuwento pa niya.

Wala ba siyang naka-line-up na movie under Star Cinema?

“Wag muna, hindi ko muna siguro kaya pa. Tapusin ko muna yung kay Jerrold kasi very demanding yung psycho thriller film na yon.”

Eh, ang kasal nila ng boyfriend, nakaplano na ba?

Wala pang plans. And so may people are getting married this year so parang... wala na silang budget para pambilig regalo sa amin. Definitely, not this year,” pagtatapos ni Iza.