• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrities give some insights on how they plan to vote in the national elections.

Celebrities give personal messages for the coming elections

Celebrities give some insights on how they plan to vote in the national elections.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/03/2016 09:10 AM
Celebrities give personal messages for the coming elections
050316-PrincessPunzalan_PUS.jpgDahil ilang araw na lang at magaganap na ang national elections, tinanong natin ang ilang celebrities ng kanilang mensahe sa publiko sa makahulugang magaganap na ito sa ating bansa.

Ang nagbabalik na character actress na si Princess Punzalan, hindi man makaboto dahil sa Amerika na siya naka-register, at di nakabalik agad para maka boto, nagbigay ng kanyang magandang mensahe.

"Mainit na ang election season pero paano ba mamili ng iboboto natin? Tiningnan ko mabuti ang mga debate yung ugali ng candidates the way sila sumagot, I think ang gut feel is also strong sa pinag babasehan natin."

Sa opening naman ng Asia’s Lashes sa Timog Avenue natiyempuhan na matanong ang endorsers nito na sina Kitkat at Dimples Romana. Ayon kay Kitkat, maraming trabaho ang naibibigay ng election season sa performers at comedians na gaya niya pero kailangan pag-isipan kung sino ang ilalagay sa balota.

"Siyempre super performer ako at marami tayo niraket na ganyan ngayong election season lalo kaming mga komedyante. Pero iba syempre kapag kung sino na ang ilalagay namin sa balita at iboboto kailangan suriin yan ng mabuti dahil future yan ng bansa natin. Basta kailangan natin ng pagbabago."

Si Dimples naman undecided pa sa ilang posisyon na kanyang iboboto dahil marami pa daw siyang kino consider bago ito maging final.

"Undecided pa ako sa ibang positions na iboboto hanggang ngayon. Kapag bumoto po kayo ang kagi nyo iisipin ang kinabukasan natin lahat kahit ano pa sabihin nila basta pag isipan nyo po kung sino ang iboboto nyo." Pagtatapos ni Dimples.