Who are the celebrities campaigning for in the 2016 elections?

Celebrity endorse their chosen candidates.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/06/2016 10:46 AM
Who are the celebrities campaigning for in the 2016 elections?
050616-KathNiel_PUSH.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, bumuhos ang celebrity endorsements sa last leg ng election campaign. Ayon kay Prof. Aries Arugay, Political Analyst mula sa University of the Philippines, Diliman, “10-15 percent” (ng registered voters) ang nagdedesisyon… a few days before elections.” 

Ito diumano ang target ng celebrity endorsements ngayon.  Bumuo ng malaking concert rally sina Freddy Aguilar, Cesar Montano, Aiza Seguerra, Joey Smith at Ramon Jacinto para sa pambato nilang presidentiable na si Rodrigo Duterte. Kay Duterte rin ang suporta ni Robin Padilla. 

All out din ang support nina Teen King and Queen Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, pati na rin si Gary Valenciano para kay Mar Roxas. Nag-reunion rin ang mga aktibistang bituin ng Edsa Revolution para magbigay suporta kay Roxas. 

Panay naman ang dalo ni Coco Martin sa mga campaign sorties ni Grace Poe. Kasama sa mga celebrity endorsers ni Poe si Ogie Alcasid, na idinaan sa bagong kanta ang suporta kay Poe; kasama rin sina Gabby Concepcion, Dingdong Dantes, Nora Aunor at Vic Sotto. 

Masigla naman ang kampanya ni Jojo Binay dahil sa dance routine nila ni Alma Moreno na sinamanhan pa minsan ni Manny Pacquiao. 

Sa Vice-Presidentiabes naman, pinangunahan ni Melanie Marquez ang mga tagasuporta ni Bongbong Marcos; habang todo ang suporta nina Kris Aquino, Sharon Cuneta, Enchong Dee, John Arcilla at Marian Rivera kay Leni Robredo.