• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Francisco says he will support wife Melai Cantiveros with whatever she decides about the cyberbullying case.

Jason Francisco speaks up on basher who wished his baby daughter would be raped

Jason Francisco says he will support wife Melai Cantiveros with whatever she decides about the cyberbullying case.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/06/2016 09:46 AM
Jason Francisco speaks up on basher who wished his baby daughter would be raped
050616-JasonFrancisco_PUSH.jpgBukod sa naging pahayag ni Melai Cantiveros tungkol sa controversial remark ng isang presidential candidate supporter sa anak nitong si Baby Mela ay nahingan din ng Push.com.ph ng reaksyon ang asawa nitong si Jason Francisco tungkol sa kanilang pinagdadaanan ngayon.

“Siyempre nalungkot ako,” simulang pahayag ni Jason.

“Nasa taping ako non, eh. Tapos nu’ng nalaman ni Melai, naiyak siya. Kauuwi lang din nya galing taping non,” kuwento pa niya.

Ano ang naging reaksyon nya sa sa pamba-bash sa anak nilang mag-asawa sa social media? Hindi ba siya na-war freak?

“Hindi naman. I mean, nakapagsalita siya ng masama pero hndi naman siya nanakit (physicall), kaya lang, nanakit siya ng damdamin.

 “Siguro sa bugso ng damdamin niya, dahil may kanya-kanya tayong sinusuportahan, kasi do’n sa pagkakasabi niya po, nabanggit niya yung gusto niyang maging president at siguro dahil sobrang idol niya yung sinusuptahan niya kaya nakapagsalita siya ng masasama.

“Kaya nga lang, yung sinabi niya po, hindi siguro siya aware na masama yon at may mga kaparusahan yon sa batas lalo na nu’ng sinabihan niya yung baby namin na... ayoko ng sabihin kasi parang ang pangit pong pakinggan,” napapailing na pahayag ni Jason.

Hindi lang daw si Baby Mela ang pinagdiskitahan ng basher na napag-alaman niyang DH pala sa Taiwan.

“Nilait din niya po ang itsura ni Melai. Na parang ano daw,  ganyan (pangit) daw. Eh, okey lang naman kay Melai yon na siya ang laitin. Pero siyempre, ako nasaktan. Sabi ko sa kanya, ‘Ga, ayaw na kitang samahan diyan sa galit mo, kasi pag dalawa tayo baka tayo naman ang naging masama.’

“Sabi ko pa sa kanya na susuportahan ko na lang siya. Kasi ang reason naman niya is to speak to everybody na para maging aware yung iba at dapat hindi na maulit yung ganu’n kasi yung mga normal na tao po hindi naman makakapagsalita, hindi naman mapapansin kasi hindi naman sila kilala,” patuloy ni Jason.

Itutuloy pa ba nilang mag-asawa ang pagdedemanda?

“Well, hindi pa po natin alam kung ano ang puwedeng mangyari. Siguro puwedeng mag-usap sila in person...

“Hindi naman kami ganu’n ka-ano... puwede namang hindi matuloy, eh, kaya lang, ang gusto po kasi niya (Melai) ay makita ng tao kung gaano kahalaga yung epekto ng bullying, yung parang ganu’n. Para yung iba aware, di ba lalo pa ngayong nakikita siya sa TV, marami siyang palabas.

“Lesson na rin siguro ito sa iba na hindi dapat nagsasalita ng ganu’n at saka hindi po yon maganda talaga.”

Kung siya raw ang masusunod, ayaw na niya sanang ituloy ang demanda lalo na nu’ng alaman niyang domestic helper yung nam-bash kay Melai at sa kanyang anak.

“Kasi iniisip ko rin po yung tao ay DH, parang katulong po yon di ba sa ibang bansa. Siguro po... saka po yung isa (Melai) hindi po yon mahirap na kausap. Ayoko naman po na anuhin yung tao, siyempre nagtatrabaho din siya. Open-minded naman po kami, nakikinig naman kami sa iba.

“Ang gusto lang po namin ay awareness sa lahat na. Pero kung patatawarin po, open po yon, kasi kawawa din naman. Alam mo naman, ang tao nagkakamali talaga kaya kailangan din ng second chance,” sambit pa niya.

Umaasa naman si Jason na gagawa ng paraan ang involve na basher para mapagaan ang kanilang pinagdadaanan. Sana rin daw ay makipagtulungan ito sa kanilang mag-asawa.