• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez shares how she met boyrfriend Shahin Alimirzapour.

EXCLUSIVE: Aiko Melendez reveals 12 year age gap with new boyfriend

Aiko Melendez shares how she met boyrfriend Shahin Alimirzapour.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/07/2016 01:48 AM
EXCLUSIVE: Aiko Melendez reveals 12 year age gap with new boyfriend
050616-AikoMelendez_PUSH.jpgKasamang inirampa ni Aiko Melendez sa blessing ng opisina ng BG Productions International owned by Madam Baby Go sa Lee Gardens in Mandaluyong ang bago niyang boyfriend na si Shahin Alimirzapour na isang Persian.

Habang iniinterbyu namin si Aiko ay nakatabi rin sa kanya ang kasintahan at paminsan-minsan ay sumasagot din sa tanong. Paano ba nagsimula ang relasyon nila ni Shahin? 

“We met in a party of our common friend. He approached me pero hindi ko siya pinapansin. I’m kinda snob, you know. So went up to me and then he said ‘can I get your name?’

“Do’n 'yon nagsimula. He didn’t have any idea that I was an actress. And then he asked me, ‘do you have Facebook?’ Sabi ko, yeah. That’s how it started,” kuwento ni Aiko sa Push.com.ph.
 
Mas matanda ng 12 taon si Aiko sa kanyang boyfriend who is only 28 years old at isang Dentistry student sa Centro Escolar University (CEU). Pero hindi raw naging isyu sa kanilang dalawa ang age gap.

“Yeah, we have an age gap, but the thing is, my family knows about Aiko already. And age doesn’t matter to me,” comment ni Shahin.

Para naman kay Aiko, “Age kasi is just a number. What matters is how you get along, when you have the same wave length and when you see things together the same way.

“I think, age is but numbers plus the fact that I’m blessed na I don’t look like I’m 40s,”  sabi pa niya.

Maging ang pagkakaroon daw ng dalawang anak ni Aiko ay hindi rin naging isyu sa kasintahan.

“No, never!” pagmamalaki ni Aiko.

Nakilala na rin daw ng boyfriend niya ang mga anak na sina Andrei at Martina at paminsan-minsan ay nagba-bonding na rin sila.

Sa tingin ba niya, si Shahin na ang forever niya? 

“When I’m going into a relationship that’s always been my goal, that it’s  going to be for keeps and then forever, sana, di ba? A lot of people are negative about the word forever, di ba, baka naman this time meron.

“I’m hoping na siya na talaga. Now, we’re praying together. We’re putting God in the center of our relationship so everything will work out well,” pahayag pa ni Aiko.