• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta speaks up about the Zsa Zsa Padilla-Conrad Onglao breakup.

Sharon Cuneta loses 36 pounds

Sharon Cuneta speaks up about the Zsa Zsa Padilla-Conrad Onglao breakup.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/05/2016 09:28 AM
Sharon Cuneta loses 36 pounds
050516-SharonCuneta_PUSH.jpgNabawasan na ng timbang ang Megastar na si Sharon Cuneta. Proud na ibinalita ni Sharon na determinado na siyang ibalik ang dati niyang figure bilang paghahanda sa kanyang major comeback sa showbiz. "So far 36 pounds ang bilang ko since December. Nag-start na ako dahan-dahan kasi may movie na, tapos may show na, tapos sabihin ko na may CD na at iba pang sorpresa this year."

Kuwento ni Mega, inalis niya ang carbs sa kanyang diet. Excited na ibinahagi ni Sharon na bukod sa The Voice Kids na siya ang bagong coach kapalit ni Sarah Geronimo, ready na rin ang isang pelikula at pagbabalik sa recording. "Sabi ko when will I do it kapag 60 na ako? 55? I wasted so many years so let’s do it na. Nakaka-miss na rin mag-shooting. Parang iba ang TV sa pelikula."

Affected din si Mega sa paghihiwalay ng mga kaibigan na sina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao na siya ang nagpakilala at naging matchmaker. "Actually hindi ko pa siya ma-text. Kanina ko lang nalaman. Hindi ko pa sila ma-text. Pareho ko sila kaibigan pero siyempre mas close sa akin si Zsa Zsa. Of course, I’m sad for a friend who I am expecting is going some heartache now. Kapag ganon, you don’t bother them muna. You let them or give them a period to mourn, ‘wag ka munang pasok," pagtatapos ni Sharon.