• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado also says she needs to develop an American accent to help her get roles abroad.

Iza Calzado says she took classes on how to audition in Hollywood

Iza Calzado also says she needs to develop an American accent to help her get roles abroad.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/05/2016 09:16 AM
Iza Calzado says she took classes on how to audition in Hollywood
050516-IzaCalzado_PUSH.jpgIsang lady senator candidate named Vera Sanchez ang character na ginagampanan ni Iza Calzado sa latest offering ng Quantum Films na My Candidate na pinagbibidahan din nina Derek Ramsay at Shaina Magdayao.

Pero kaagad na nilinaw ng aktres na hindi pattern sa sino mang politician ang role na pino-portray niya sa pelikula.

“May pagka-maldita siya. She’s very ambitious. She won’t stop unti she gets what she wants but I don’t think it’s patterned after a specific politician,” pagde-describe ng aktres.

Nanghinayang naman si Iza na wala siyang kissing scene with Derek.

“Wala nga, eh. Sayang,” biro pa niya.

Ano na nga ba ang nangyari sa pag-aral niya ng acting sa Los Angeles, America?

“Hindi naman ako nag-aral ng acting do’n. I took some improvisation classes, I took an audition technique class, speech class. Whatever it is I’m just preparing for my future.

“It’s better to be prepared, right? I wanted to explore several things.

Bakit pa niya kailangang mag-aral, eh, mahusay naman na siyang aktres?

“I always think there’s so much room for improvement. I am not where I want to be as an actress. Marami pa akong gustong gawin at matututnan.

“But I’m happy where I am in terms of my growth but I wish I didn’t have to go all the way to L.A. to take classes like that. Don kasi ang daming class na available for actors, dito sa atin wala,” rason niya.

Bukod sa hunger for new learnings, gusto rin daw niyang matutunan kung paano mag-audition sa Amerika.

“Gusto kong maintindihan kung paano ba dito mag-audition sa bansang ito. Wala pa akong Hollywood agent do’n, I didn’t sign with anyone yet.”

Eh, bakit pati American accent kailangan pa niyang pag-aralan?

“Ninety-nine percent of the people that I met there said I need to get an American accent if I want to work there. So parang, it’s not something na when I go there, saka ko pa lang mag-aaral.

“Kumbaga, ihanda mo na ang sarili mo para sa oras na magdesisyon ka man na I want to go for a pilot season audition there ready ka,” paliwanag pa niya.

Palabas na sa May 11 ang My Candidate under the direction of Quark Henares.