• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Lawrence also hopes his recent Himig Handog stint opens more opportunites.

EXCLUSIVE: Kris Lawrence says he and ex-GF Katrina Halili deserve to be happy

Kris Lawrence also hopes his recent Himig Handog stint opens more opportunites.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/05/2016 09:16 AM
EXCLUSIVE: Kris Lawrence says he and ex-GF Katrina Halili deserve to be happy
050516-KrisLawrence_PUSH.jpgPagkatapos maging interpreter ni Kris Lawrence ng kantang “Monument” kasama si Kyla sa nakaraang Himig Handog P-Pop Love Songs 2016 at maging second placer ng kanta, umaasa ang singer na mas magiging maganda ang takbo ng kanyang singing career.

 “Sana po it open more doors for me to comeback to ABS. Right now, freelance pa rin ako. We have a small contract with Himig Handog and I’m grateful for that, very thankful for the opportunity,” balita niya sa Push.com.ph.

Nagsimula ang singing career ni Kris pagkatapos niyang mag-join sa Star In A Million contest ng ABS-CBN. Sa 10 years niya sa music industry, na-reach na ba niya ang kanyang goal?

“Hindi pa! Meron pa akong gusto. Siguro, kasi idol ko si Tito Gary (Valenciano), I’m always hoping for the best. Pero you know, I’m very thankful for what I have achieved, bilang galing sa States, I’m very thankful but still hoping for the best.

“Maybe international status? Kahit or two hits (song) abroad?” pagtatapat ni Kris sa gusto pa niyang mangyari in the future.

Ayon pa kay Kris, uumpisahan daw niyang trabahuhin ang pagkakaroon ng international recording sa pamamagitan ng isang world tour. Nakatakda rin daw siyang mag-recording sa Amerika.

Eh, kumusta naman ang kanyang personal life after nilang maghiwalay ni Katrina Halili?

 “Okey naman!” maigisi niyang sagot.

Eh, ang relasyon niya at ng anak na si Katie, kumusta naman?

“I see her two to three times a week. Sobrang kulit na niya. She’s three years old,” kuwento pa niya.

Nananatili rin daw silang magkaibigan hanggang ngayon ni Katrina.

 “Okey naman kami,” balita ulit niya.

May girlfriend ba siya ngayon?

“Hindi na muna. Si Kat pa rin yung pinakahuli ko. We’ve been broken up for two years.”

Aware ba siya na may bagong love life ang ex-GF niya?

“I’m not sure... but yes I’ve heard, I don’t know if it’s true. Okey naman sa akin yon. You know, we both deserve to be happy.

“If she’s going to be happy with another man, mabibigay sa kaya yung kulang sa akin, then all I want for her is to be happy,” komento niya tungkol kay Katrina.

Eh, bakit nananatili siyang single ngayon?

“Ang hirap, eh... Well, I’m dating non-showbiz, so parang sometimes they don’t understand na may anak ako, ang hirap. And then they don’t understand the industry, line of work ko, so, it’s hard. Honestly, it’s a hard balance.

“Pag nasa showbiz kasi, naiintindihan nila yung oras. Yung non-showbiz kaya rin naman nilang intindihin but you need to train them, but it takes a while,” pagtatapos ni Kris.