• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerome Ponce says he would like his younger brother to finish high school before trying out showbiz.

EXCLUSIVE: Jerome Ponce believes failing to make PBB twice happened for a reason

Jerome Ponce says he would like his younger brother to finish high school before trying out showbiz.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/04/2016 11:24 AM
EXCLUSIVE: Jerome Ponce believes failing to make PBB twice happened for a reason
050416-JeromePonce_PUSH.jpgDalawang beses nag-audition noon sa Pinoy Big Brother Teen Edition si Jerome Ponce pero hindi siya nakuha.

Ayon sa binata na unang nabigyan ng exposure bilang Luke sa morning series na Be Careful With My Heart, “Umaabot naman ako sa final interview at yung last try ko, nag-pictorial na ako kaya lang, hindi pa rin ako nakapasok sa PBB house.”

Dagdag pa niya, “Pumila talaga ako for the audition kasama nu’ng maraming kabataan na gusto ring maging PBB housemate. Ang dami-dami namin. Do’n mo talaga makikita na napakaraming teenagers ang gustong mag-artista.”

Bagama’t hindi naging official housemate ni Kuya, nakapasok pa rin naman sa showbiz at nagkaroon ng magandang career si Jerome.

“Naniniwala ako na kapag para sa yo ang isang bagay, ibibigay sa yo basta wag mo lang susukuan. Bago naman ako napunta sa Be Careful at naging Luke, nag-audition at go-see din ako. Hindi naman yung tipong, ando’n na lang bigla,” pagre-recall pa niya.

Para kay Jerome, napakalaking bagay na nakapasok siya sa showbiz para mabago ang buhay niya.

“Unang-una, pagdating sa pera hindi na ako namomroblema. Dati kasi, hihingi lang ako kay Papa. Nabibili ko na rin ang ibang gusto ko lalo na yung mga sapatos na dati tinitingnan ko lang sa mall. ‘Kailan ko kaya ito mabibili?’

“Tapos yung mga kapatid ko, nalilibre ko na sila sa mall. Kumakain kami. Nanonood ng sine. Mas masaya yung bonding namin ngayon kasi sapat na yung panggastos, kumbaga, hindi na kapos,” natatawa niyang kuwento.

Papayagan din ba niyang mag-artista ang nakababata niyang kapatid na si Jesus Porciuncula III na gumagawa na rin ng TV commercials?

“Marami na ngang kumukuha kay Umboy (palayaw ng kapatid), pero bata pa kasi, eh. Para sa akin, kung gusto niya ring mag-showbiz, sana maka-graduate muna siya ng high school. Iba pa rin siyempre kasi yung graduate ka kahit high school lang muna, tapos mag-aral ka na lang ulit ng college kapag may time na.

“Pero hindi ko naman siya pipigilan if ever na gustung-gusto niya talaga. Kasi ano naman, kung pangarap niya yon, bakit naman kailangang hadlangan, di ba? Basta kung anuman ang gusto niya, susuportahan ko naman siya,” sabi pa ni Jerome.