• Home
  • Fresh Scoops
  • The Kapamilya network won a total of 18 trophies, 14 from the TV category and four from the radio category.

ABS-CBN named Best TV Station at 24th KBP Golden Dove Awards

The Kapamilya network won a total of 18 trophies, 14 from the TV category and four from the radio category.

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

05/05/2016 02:06 AM
ABS-CBN named Best TV Station at 24th KBP Golden Dove Awards
050416-dove.jpgMuling nakamit ng ABS-CBN ang inaasam na Best TV Station in Metro Manila sa 24th KBP Golden Dove Awards, na nagsilbing ika-7 na Best TV Station award ng kumpanya sa unang kapat ng taong 2016. Nagwagi ang kumpany ng 18 na tropeo, 14 sa kategorya ng telebisyon at apat naman sa kategoryang pang-radyo.

Ang nanguna sa mga personalidad na ginawaran ng parangal para sa ABS-CBN ay ang DZMM anchor na si Louie Tabing na anchor ng popular na programa sa radyong "Sa Kabukiran," na nakamit ang pinakamataas na award sa larangan ng broadcasting, ang Ka Doroy Broadcaster of the Year award, na binibigay sa mga propesyunal na broadcaster na nagpakita ng natatanging kahusayan sa kanilang trabaho at sa pakikipag-kapwa-tao. Sa kanyang pagkapanalo, napabilang si Tabing sa prestihiyosong listahan ng mga Ka Doroy awardees ng ABS-CBN kung saan kasama niya sina Tina Monzon-Palma (2002) Korina Sanchez (2008), Ces Drilon (2010), Noli De Castro (2011), and Ted Failon (2013).

Para naman sa kategorya ng telebisyon, ang kinabaliwang TV drama na “On The Wings of Love” ay ibinuslo ang Best Drama Program for TV para pangunahan ang ibang pang awardees tulad ng long-running kiddie comedy show “Goin’ Bulilit” (Best Comedy Program), “Wansapanataym” (Best Children’s TV Program), The Voice Kids (Best Variety Program), Home Sweetie Home (Best Comedy Program), “Matanglawin” (Best Science and Technology Program), “Tapatan ni Tunying” (Best Public Affairs Program for TV in Manila), at “ASAP” (Best Variety Program for TV). Ang mga personalidad tulad ni "Tapatan ni Tunying" anchor Anthony Taberna ay kinilala bilang Best TV Public Affairs Program Host, habang ang "My Puhunan" host Karen Davila na nanalo bilang Best Public Service Program Host, at ang actor at aktres na sina Coco Martin (Best TV Actor for Drama) at Jodi Sta. Maria (Best TV Actress for Drama).

Samantala, ang DZMM Radyo Patrol 630 ay muling kinilala bilang Best AM Radio Station, salamat sa pagtatala ng kanilang mga program ng kani-kanilang award na pinangunahan ng “SOCO SA DZMM” (Best Radio Public Affairs Program), at sinamahan naman ng “Radyo Patrol Alas Dose” (Best Radio News Program), “DYAB Radyo Patrol Balita sa Alas Dose” (Best Newscast for Provincial), “Aksyon Ngayon” (Best Public Service Program), “Sakto” (Best Variety Program), “Maalaala Mo Kaya” (Best Drama Program), at “Kapamilya Konek” (Best Magazine Program). Ang FM station ng ABS-CBN, ang MOR 101.9, sa kabilang banda, ay inuwi ang Best Drama Program for Radio in Manila salamat sa kanilang “Dear MOR 101.9 For Life” na programa. 

Ang “Thank You For the Love Kapamilya!” station ID naman ng Kapamilya network ang kinilala bilang Best TV Station Promotional Material.

Nakatulong din ang ABS-CBN Regional para dagdagan ang nasukbit na mga award ng kumpanya sa kanilang pag-uwi ng tatlong tropeo: ang Best TV Station for Provincial ng ABS-CBN Bacolod, Best TV Newscast for Provincial ng “TV Patrol Socksargen”, at Best TV Public Service Program for provincial ng “Agri Tayo” mula ABS-CBN Bacolod.

Ang KBP ang premyadong organisasyon ng broadcast media sa bansa na binubuo ng mga may-ari at operator ng mga istasyon ng radyo at telebisyon, pati na mismo ang mga istasyon ng radyo at telebisyon na naglalayong iangat ang propesyon ng broadcasting pati na ang mga etikal na aspeto nito at i-promote ang social responsibility sa broadcasting. Ang Golden Dove Awards ang paraan ng KBP para kilalanin ang mga natatanging kahusayan ng broadcasting sa buong bansa.

Pinarangalan din ng ABS-CBN ang Best TV Station sa 2ndAral Parangal Awards ng Young Educators’ Council of SOCSKSARGEN (YECS); 2nd Students' Choice Mass Media Awards ng Eastern Visayas State University’s (EVSU); 14th Gawad TANGLAW (Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw) na binubuo ng mga eskwelahan tulad ng Jose Rizal University, Philippine Women’ University, University of Perpetual Help System, at Colegio De San Juan de Letran; 2nd Paragala Central Luzon Media Awards ng Holy Angel University; UmalohokJUAN Awards ng Lyceum of the Philippines University-Manila; 12th USTv Awards at Platinum Stallion Awards ng Trinity University of Asia.