• Home
  • Fresh Scoops
  • Bayani Agbayani shares details of his friendship with Jinggoy Estrada.

Bayani Agbayani says Jinggoy Estrada may be set free by Duterte

Bayani Agbayani shares details of his friendship with Jinggoy Estrada.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/31/2016 09:42 AM
Bayani Agbayani says Jinggoy Estrada may be set free by Duterte
053116-BayaniAgbayani_PUSH.jpgMatagal na palang magkaibigan sina Bayani Agbayani at Sen. Jinggoy Estrada. Unang beses pa lang daw na nakulong noon sa Veterans Hospital si Jinggoy ay madalas na niya itong puntahan para pasayahin.

Si Bayani ay kasama sa pelikula ni Jinggoy na Tatay Kong Sexy na two years ago pang natapos pero ngayong June 1 lang ipalalabas. The film is in time for Father’s Day at si Joey Reyes ang nagdirek.

Sa press preview ng pelikula, ibinalita ni Bayani na sa pagpasok ng bagong administrasyon ni Rodrigo Duterte ay posibleng makalaya na si Jinggoy sa Camp Crame kung saan ito naka-detain ngayon. “Sumuporta naman sila kay Digong, eh, at pinangakuan sila. Sabi nga daw, ewan ko kung dapat kong sabihin ito, ha, sabi daw ano, eh, ‘Ano pang ginagawa n’yo diyan pag-upo ko (Duterte).’ Sana naman magkatotoo.

“At siyempre, isa talaga ako sa nananalangin na makalaya na siya. Nu’ng nag-Christmas eve nga kami last year, sabi ko nga, sana wala nang Christmas eve tayong pupuntahan dito, sana sa susunod sa labas na tayo.”

Paano ba nagsimula ang kanilang friendship ni Jinggoy?

“Nung nakakulong si Kuya Jinggoy sa Veteran... actually, hindi ko naman talaga kaibigan si Kuya Jinggoy, nu’ng sinama ako ni Tita A (Angge) do’n, nakita ko na ang lungkot pala ng buhay ng nakakulong talaga.

“So ang ginagawa ko, pumupunta-punta ako sa Veterans araw-araw. Tapos may isang Christmas eve na sabi ko sa asawa ko puntahan natin si Kuya Jinggoy, do’n tayo mag noche buena sa Veterans.

“Ngayon, nu’ng inalis na siya sa Veterans, hindi na ako nagpakita sa kanya. Hinahanap niya ako, bakit daw hindi ako nagpapakita sa kanya. Sabi ko, ‘masaya ka na, eh.’ Kaya lang naman ako nagpapakita doon pag alam kong malungkot siya. Pag malungkot kasi ang kaibigan, dapat nando’n ka para sa kanya,” kuwento pa niya.

Ayon pa kay Bayani, 8 beses na silang nag-Christmas sa bahay ni Jiggoy hanggang sa kulungan sa Crame kung saan ito naka-detain ngayon.

Eh, paano ba naman mag-appreciate ng friendship si Jinggoy?

“Alam mo si Kuya Jinggoy, minsan nga nagugugulat sa akin yung mga tao, kahit kailan ko tawagan yan sinasagot ako sa telepono. Minsan nga tinawagan ko yan sumagot siya sabi niya, ‘4 a.m. na ngayon, eh.’ Sabi ko, saan ka ba? ‘Andito ako sa Amerika.’ Ba’t mo sinagot, sabi ko. ‘Eh, tumawag ka.’ Isipin mo, senador tatawagan mo wala kang appointment ng 4 a.m. tapos sasagot siya, di ba?” natatawa niyang kuwento.

May mga favors na ba siyang hiningi sa senador?

“Ay wala!” matigas niyang sagot.

“Alam mo, ang kaibigan talaga kapag nakita niya na wala kang intensyon bukod sa pagiging magkaibigan nyo, do’n ka mamahalin ng kaibigan mo. Kasi alam mo, ang mga  nasa politics, yung mga sikat an artista, yan yung maraming kaibigan pag siikat.

“Kaya nga, sabi ko nga sa yo, nung lumaya siya noon, hindi na niya ako nakita kaya hinanap niya ako... Kaya nga ang sakit para sa akin na nakulong ulit siya, kasi nga nag-declare agad siya na tatakbo siyang vice president kaya yon, binanatan agad siya,” pagre-recall ng komedyante.

Habang kausap namin si Bayani ay suot pa rin niya ang baller ID na may pangalan ni Duterte tanda ng hayagang suporta niya dito. Inamin din ni Bayani na siya ang magho-host ng thanksgiving party ng president-elect sa Davao on June 4.