• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual admits to having celebrity girlfriends who are much older and younger than him

Piolo Pascual says he wants to be Liza Soberano’s leading man

Piolo Pascual admits to having celebrity girlfriends who are much older and younger than him

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/30/2016 10:26 AM
Piolo Pascual says he wants to be Liza Soberano’s leading man
053016-PioloPascual_PUSH.jpgSa Gandang Gabi Vice, inamin ni Piolo Pascual na katulad ng character niya sa Love Me Tomorrow, nagkaroon din siya ng girlfriend na mas matanda sa kanya. Ayon kay Piolo 10 years ang gap nila. Kwento ni Piolo, noong naging sila ay late 20s ang edad ni Piolo at ang babae naman ay late 30s.

 Rebelasyon pa ni Piolo ay celebrity ang babae at sabi niya sa host na si Vice Ganda ay, “Oo, kilala niyo.” Si Piolo raw ang nanligaw at aniya, “Mutual naman yun.” Pero dagdag na rebelasyon ni Piolo, “I didn't want it or wouldn't want it kasi pareho kaming nasa trabaho, nasa isang show kami so parang…” 

Paliwanag pa ni Piolo kung bakit siya nagkaroon ng girlfriend na mas matanda ay, “nung bata ako mas gusto ko kasi yung inaalagaan ako so ganun…” 

Pero hindi lang yun, nagkaroon rin pala si Piolo ng girlfriend na mas bata sa kanya. Sa katunayan, 13 years ang gap nila ng bagets na naging girlfriend niya. At pasabog muli ni Piolo, artista rin ang bagets na ex niya. 

Nang tanungin kung sino ang napapabalitang crush niya ngayon na mas bata sa kanya, sinabi ni Piolo na, “Hindi naman crush. Si Liza (Soberano). I just like her face, ang ganda kasi.” 

Hindi nga raw niya tinanggap ang isang teleserye kung saan magiging anak niya si Julia Barretto, dahil “Gusto ko nga makapartner pa si Liza, ibibigay niyo pa sa akin (bilang anak) si Julia,” natatawang sabi nito.