• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre denies that her relationship with James Reid is just a ‘promo’ for their new movie.

Does Nadine Lustre get jealous because of James Reid?

Nadine Lustre denies that her relationship with James Reid is just a ‘promo’ for their new movie.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/04/2016 01:17 AM
Does Nadine Lustre get jealous because of James Reid?
050316-JamesNadine_PUSH.jpgBiniro namin si Nadine Lustre kung hindi ba siya namomroblema na guwapo ang boyfriend niyang si James Reid nang humarap sila sa ilang entertainment press para sa presscon ng pelikula nilang This Time na showing na sa May 4.

“Problema po! Kasi feeling ko mas maganda pa siya sa akin,” pabiro niyang komento sabay hirit na “Hindi naman po, hindi naman.”

Hindi ba siya nagselos sa boyfriend?

“Wala pa naman po kasing instance na nagselos po talaga ako, wala pa naman. Kasi ano naman po siya, I trust him, sobra po, so parang wala namang (dapat ipagselos).”

Selosa ba siyang girlfriend?

“Dati po ganu’n, pero ngayon, wala naman pong reason,” pag-amin niya.

Hindi pa rin daw sila nagkakaroon ng tampuhan sa dalawang buwan nilang relasyon.

“Wala pa po, Wala pa naman pong ano talaga ever since. So far, so good pa naman po.” sey ulit niya.

Eh, paano ba siya magselos?

“Ay iba po. Hehehe! Binabato ko po yung telepono… Ano po kasi ako, bata pa po ako non, hindi ko pa din naman po kasi alam.”

Mabuti hindi tinamaan ang ex-boyfriend na pinagselosan niya?

“Sa sahig ko lang naman po binato. Yon naman po pag super galit na talaga ako. Hindi naman po yung mababaw lang na selos,” rason pa niya.

Nag-uusap ba sila ni James para mawala ang selos sa isa’t isa?

“Alam niya (James) naman po kung ano yung… same with me rin po, like yung mga bagay na maa-upset siya, malulungkot siya or maiinis siya, hindi ko po ginagawa.”

Muling nagbigay ng reaksyon si Nadine sa sinasabi ng iba na pang-promo lang para sa pelikula nilang This Time ang kanilang relasyon at pagiging sweet.

“Hindi na rin naman po kasi bago yung isyu na promo lang. Pero nasanay na rin po kami na ngayon pag may ganu’n hindi na lang namin pinapansin. Kasi parang ang importante naman po is yung kaming dalawa. Hindi naman po importante na maniwala sila sa amin. Kung ayaw po nilang maniwala, okey lang po,” pahayag ni Nadine.

Naniniwala ba siya sa forever?

“Forever po kasi is a concept, is a positive concept. Pero scientifically, yung forever, hindi ko po alam.”

Sa palagay ba niya si James na ang kanyang forever?

“Tingnan po natin. We’ll see.”