• Home
  • Fresh Scoops
  • Michael Pangilinan admits he always thought he would father a child at a young age.

EXCLUSIVE: Michael Pangilinan talks about his plans for his son

Michael Pangilinan admits he always thought he would father a child at a young age.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/29/2016 09:26 AM
EXCLUSIVE: Michael Pangilinan talks about his plans for his son
052916-Michael_Pangilinan.jpgInamin ni Michael Pangilinan na nararamdaman niya noon pa man na magkakaroon kaagad siya ng anak at magiging binatang ama kaya hindi na raw siya nagulat nung nakabuntis siya.

Ito ang ipinagtapat niya sa Push.com.ph nang makausap namin siya sa presscon ng Pare Mahal Mo Raw Ako na ang Viva Films ang magre-release sa mga sinehan sa June 8.

Honestly, alam ko na ganu’n talaga ang mangyayari sa akin,” pag-amin agad ng singer-actor.

Kasi sobrang ano nga ako, di ba... sobra akong mapusok kaya yon, di ko (na napigilan). At saka sabi ko, kung sino lang ibigay na magiging nanay nung anak ko. Ayun nga, do’n nga napunta,” patuloy niyang kuwento.

Wala naman daw silang problema ngayon ng nanay ng anak niyang si Ezekiel kahit wala na silang relasyon.

Sa ngayon naman, okey naman kami, good friends kami, in good terms kami, so wala namang problema sa aming dalawa.”

Madalas din daw niyang dalawin ang five-month-old na baby.

Ang priority ko lang ngayon, sana mahiram ko siya. Nasabi ko na yon sa kanya, sabi niya papalaki-lakihin niya muna ng konti. Sabi ko naman, sige lang go lang kung anong gusto niya kasi wala naman akong magagawa, kahit na anong mangyari do’n talaga muna siya dapat sa nanay niya,” sey pa ni Michael.

Ibinahagi rin ni Michael kung ano ang plano niya sa panganay niyang anak.

Alam mo ang sarap ng feeling kapag nagtatrabaho ka tapos iniisip mo na may maiipon ka na naman para sa anak mo. Kumbaga, mas tatay na akong mag-isip ngayon.

Gusto ko na by the time na two or three years old na siya, kailangang meron na din siyang sarili niyang pera, may sarili na siyang.. Kumbaga, ngayon pa lang pinaghahandaan ko na yung pag-aaral niya. Gusto kong ma-secured yung future niya.