• Home
  • Fresh Scoops
  • Dominic says he is not using Judy Ann Santos and Vice Ganda sa ‘backers.’

EXCLUSIVE: Dominic Roque denies using celebrity connections to land roles

Dominic says he is not using Judy Ann Santos and Vice Ganda sa ‘backers.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/30/2016 01:40 AM
EXCLUSIVE: Dominic Roque denies using celebrity connections to land roles
053016-dominique_main.jpgIntroducing at first big break sa pelikula Dominic Roque Ang Tatay Kong Sexy na pinagbibidahan ni Sen. Jinggoy Estrada at Maja Salvador kaya excited siyang pinanood ang  pelikula sa ginanap na press preview nito sa Gateway Cinema.

Ginagampanan ni Domic ang role ng boyfriend ni Empress Schuck na anak naman ni Jinggoy na isang mahigpit na tatay.

“Parang ang bata ko pa sa pelkula,” natatawa niyang reaksyon. “Two years ago pa kasi namin ginawa yan. Parang masyado pa akong totoy no’n,” tawa ulit  niya.

Ngayon ay 3 years na sa showbiz industry si Dominic. Satisfied ba siya sa takbo ng kanyang career?

“Wala pa akong napapatunayan sa larangan ng pag-arte. Pero sa career ko naman, natutuwa kao kasi hindi naman ako nawawalan ng project. Hindi naman ako yung babang-baba.

“Okay naman yung mga project na nakukuha ko. May mga endorsement akong nakukuha so thankful ako kay Lord about it, so yon...”

Pinag-react na rin namin si Dominic kung sa palagay ba niya ay malaking tulong ang friendhip nila ni Vice Ganda para umingay ang career niya.

Ayon sa binata, “Hindi kasi ako ganu’n, eh. Pag pasok ko pa lang sa showbiz, lagi na akong nasasabihan ni Tita Juday (Judy Ann Santos) na hindi ka dapat umasa sa kanila. Kasi ako, kahit pa dati, nag-usap kami ni Tita Juday about it, hindi niya ako ipu-push  para ipasok sa showbiz.

“Kung may pagkakataon na magkaroon ng.... o sa audition, makuha ako, ganu’n. Pero hindi ako maghahanap ng backer, hindi kami gagamit ng backer, yon yung napag-usapan namin before. Kaya nung nakuha sa Aryana sa ABS, hindi yon dahil sa kanya (Judy Ann). Nag-audition ako, dumaan ako sa proseso. Naging close ako kay Vice pero hindi ko siya tine-take na, ‘ah backer to, hindi ako mawawalan ng project.’ Kasi may mga taong mag-iisip no’n, eh.
“Marami akong kaibigang artista, pero pili din yung mga ka-close ko na artista na mababait, pero hindi ko iniisip na puwede ko silang maging backer, wala pong ganun,” mahabang paliwanag ng guwapong aktor.

Walang love life ngayon si Dominic. Kabi-break lang daw nila ng non-showbiz girlfriend niya last month. Ayon sa bianata tumagal din ng halos 3 years ang kanilang relasyon.

“Eh, bakit nga ba sila nag-break?

“Wala lang. Iba-ibang dahilan. Siguro hindi kami masyadong magkaintindihan,” pag-iwas niya sa isyu.