“Badjao Girl” dreams of becoming a teacher

Rita Gabiola says she will never beg in the streets again.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/30/2016 01:44 AM
“Badjao Girl” dreams of becoming a teacher
053016-badjao_main.jpgSa Rated K, matapos umani ng simpatya at paghanga si Rita “Badjao Girl” Gabiola sa social media, nangako siya na hindi na muling mamalimos. 

Paano nga ba nagsimula ang kwento ng pagsikat ni “Badjao Girl?” Namataang namamalimos si Rita noong Piyesta ng Pahiyas sa Lucban, Quezon.  Nagandahan sa kanya ang girlfriend ng photographer na si Topher Burgos kung kaya ayon kay Topher, “Kinunan ko ng magandang anggulo siya, and then in-upload ko sa Facebook. Hindi ko alam na magba-viral.” 

Tubong Zambonga ang pamilya ni Rita at ayon sa nanay niyang si Marita, napadpad sila sa Maynila dahil mahirap ang buhay nila sa probinsya. Ang hanapbuhay ng pamilya ni Rita sa Mindanao ay pangingisda. 

Hindi akalain ni Rita na sikat na pala siya at natuklasan lamang ito nang may mga lumalapit sa kanya. Hindi rin kasi niya namalayan na kinunan pala siya noon ng litrato ni Topher. Naiyak pa siya nang maalala niya, “Kasi ang pagkaalam ko huhulihin kaming mag-ina kasi namamalimos kami sa Lucban.”  

Grade 6 na sa pasukan si Rita. Nang tanungin kung bakit siya namamalimos, ang sagot niya ay, “Kasi bakasyon na kaya naglilimos po ako.” 

Simula nang mag-viral sa social media, malaki na nga ang pinagbago ng buhay ni Rita. Sa tulong ng Rated K, nangako ang pamahalaan ng Lucban na bibigyan ng trabaho ang mga magulang ni Rita.  

Binigyan rin si Rita ng scholarship ng Rated K, para makatapos siya ng pag-aaral at matupad ang kanyang pangarap. Ayon kay Rita gusto niyang maging guro dahil, “Gusto ko pong matulungan yung mga bata, isa na rin po dun yung mga magulang ko, hindi po nakapag-aral. At saka po ang mga Tita ko .”

Bumuhos ang luha ni Rita dahil sa lubos na kasiyahan sa mga natanggap niyang biyaya. Pangako rin ni Rita, “Gagawin ko po ang lahat para sa mga magulang ko.”