• Home
  • Fresh Scoops
  • Edgar Allan Guzman reveals he will now be more visible in ‘Doble Kara.’

EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman says he’s enjoying being single for now

Edgar Allan Guzman reveals he will now be more visible in ‘Doble Kara.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/27/2016 09:31 AM
EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman says he’s enjoying being single for now
052716-EAGuzman_PUSH.jpgGood news para sa fans and supporters ni Edgar Allan (EA) Guzman dahil bukod sa pelikula niyang Pare Mahal Mo Raw Ako with Michael Pangilinan, mas madalas na rin daw siyang mapapanood sa mga susunod na episode ng afternoon series na Doble Kara.

“Nu’ng una kasi nag-focus sila sa magkapatid (Kara and Sarah) at sa family na umikot kina Sarah at Kara, tapos nag-focus din sila sa bagong characters like kay Sam Mibly, Maxene (Magalona), so yung mga original cast before, yung first season, kumbaga medyo inatras muna nila ng konti.

“This time, yung umeere, hinahanap ako ni Sarah sa Japan. Sa script namin, hindi pa kami nagkikita kaya hindi ko alam na may anak ako at nabuntis ko siya,” balita ni EA sa Push.com.ph.

Pero sa totoong buhay, proud daw siyang sabihin na hindi pa siya nakakabuntis na katulad ni Michael na kasama niya sa Pare Mahal Mo Raw Ako.

“Ay wala, hindi pa po ako nakakabuntis. Wala pang disgrasyang nangyayari sa akin. Maingat ako, sobra,” pag-amin pa niya.

Eh, paano ba siya nag-iingat, gumagamit ba siya ng proteksyon?

“Basta maingat ako. Alam ko naman kung puwede na o hindi (laughs). Tsaka marami pa akong gustong gawin. I-enjoy ko muna yung pagiging single ko... yung wala pang anak. Mga six years pa siguro, matagal pa.

“Ibibili ko muna ng bahay yung nanay ko. Bibili rin muna ako ng bahay ko bago ako magkapamilya, bago ako mag-anak,” sabi ni EA sa plano niyang gawin.

Samantala, proud si EA sa pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako at sa feedback na naririnig niya tungkol sa pelikula na ipapalabas na rin sa wakas sa June 8.

“Na-excite ako kasi ang ganda, ang ganda ng kinalabasan nu’ng pelikula, yung pinaghirapan namin. Maraming naka-relate, maraming nagkagusto sa pelikula and for sure dahil sa LGBT community, maraming makaka-relate talaga at magugustuhan nila yung pelikula kasi may aral talaga siya.

“Medyo nanghihinayang lang ako kasi ang bagal lang nu’ng proseso bago maipalabas. Sayang kasi maganda yung material, istorya. Natuwa nga ako nu’ng nalaman ko na ire-release siya ng Viva kasi may isang company na gustong i-release yung pelikula namin, tapos Viva pa, di ba? Malaking tulong para sa amin,” pahayag pa niya.

Nagbigay din ng konting update si EA sa ginagwa niyang album.

“Next month magpi-pictorial na ako. May title na rin – #Always EA. Yung mga kanta okey na, maayos na lahat,” kuwento pa ng singer-actor.