• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaclyn Jose is grateful other countries recognize Filipino culture.

Jaclyn Jose thankful for warm welcome home

Jaclyn Jose is grateful other countries recognize Filipino culture.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/26/2016 09:55 AM
Jaclyn Jose thankful for warm welcome home
052616-JaclynJose_PUSH.jpgIsang homecoming dinner ang ibinigay ng ilang malalapit na kaibigan at katrabaho ng aktres na si Jaclyn Jose kaugnay ng kanyang tagumpay bilang best actress sa 2016 Cannes International Film Festival para sa pelikulang Ma’ Rosa. Kasama ang direktor niya sa pelikula na si Brillante Mendoza, nakausap natin ang dalawa tungkol sa kanilang latest na tagumpay para sa ating bansa.

Para kay Jaclyn, malaki ang naiambag ng kanilang pelikulang Ma’ Rosa para mas makilala ang husay at talino ng mga Pilipino sa sining ng pelikula.

"Yung appreciation na kilalanin ang kultura natin at the same time malaman ang problema and they’re hoping magkaisa natin na magtapos at magwakas yung awareness basically."

Ramdam ni Jaclyn ang init ng pagtanggap ng ating mga kababayan sa kanyang tagumpay. Marami daw ang bumabati sa kanya at nagpapa-picture kapag nakita siya. Hanggang sa trapik daw ay excited ang mga kababayan natin na makita siya.

"Kanina sa car nag roll down ako ng window at nag roll down din ng window yung family, parang mas marami ako nakikita na congratulations congratulations. Naramdaman ko talaga ang kasama natin sila kasama ang lahat ng Pilipino sa journey."

Sa kanyang personal na buhay, single si Jaclyn at naging pabiro ang sagot sa detalye.

"Hindi ko alam ang ganda ko naman di ba? (Laughs) baka ang katabaan ko feeling ko ang ganda ko naman may humor naman ako!"

Marami daw ang oportunidad sa ibang bansa ang tiyak na dadating dahil sa kanyang pagkaka-panalo pero mas pipiliin niya mag trabaho sa Pilipinas dahil kuntento na daw siya sa kanyang narating bilang artista.