• Home
  • Fresh Scoops
  • Dawn Zulueta on working with Piolo Pascual before Sharon Cuneta: ‘Oh, my goodness, I’m so lucky!’

Dawn Zulueta admits she was worried about people’s reaction to her pairing with Piolo Pascual

Dawn Zulueta on working with Piolo Pascual before Sharon Cuneta: ‘Oh, my goodness, I’m so lucky!’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/26/2016 09:45 AM
Dawn Zulueta admits she was worried about people’s reaction to her pairing with Piolo Pascual
052616-DawnZulueta_PUSH.jpgNag-worry noon si Dawn Zulueta na baka hindi tanggapin ng moviegoers ang pagtatambal nila ni Piolo Pascual sa Love Me Tomorrow na isang May-December affair movie.

“Ang worry ko talaga is yung natural reaction ng mga tao na, ‘Ewww!’ Baka masagwaan sila. Pero nu’ng may nabasa nga akong tweet na ‘Wow, Piolo-Dawn, in fairness hindi masagwang tingnan.

“Kasi yon din ang worry ko, talaga. I’m glad na maganda naman ang reaksyon ng mga tao. They’re kind to me. I hope na pag pinanood nila yung pelikula, mas masarapan pa sila sa pinapanood nila because yun mismong istorya rin kasi talaga is really fun and also heart warming,” pagtatapat ng aktres.

Inamin din ni Dawn na habang ginagwa nila ni Piolo ang pelikula, mas nakilala niya ito nang husto.

“Aside from the fun of working with PJ is that I also got to know him as a friend and as a person. And I’m loving what I’m learning. I love him even more,  what I’ve seen in him so far.

“I’ve already known that before, yung pagiging mabait niya, but it’s more pa that I’ve seen because I work with him everyday and I get to talk to him,” pagde-describe niya sa aktor.

Dagdag pa niya, “And as an artist, I feel so good kasi ang sarap talaga ng feeling na ang katrabaho mo is also working in his role. And siyempre because of that you are able to draw also from each other and I like that with co-actors, I feel more alive when I’m working with actors who’s also alive. Not like robot, di ba?”

Nadiskubre din daw niya ang isa pang nakakatuwang ugali ni Piolo.

“Nalaman ko na kengkoy pala siya. Akala mo seryoso, pero kengkoy din pala. Kengkoy siya, di n’yo lang alam,” kuwento pa niya.

Matagal na ring gusto makatrabaho ni Megastar Sharon Cuneta si Piolo. Tinanong namin si Dawn kung ano ang masasabi niya na naunahan pa niya si Sharon kay Papa P.

“Oh, my goodness, I’m so lucky. Nangangarap lang naman ako and then ‘eto na, nangyari na,” tuwang-tuwa niyang pahayag.