Sikat na aktres, “nagbisi-bisihan” para di mainterbyu ng reporters

BY
Miss Lyka

FRESH SCOOPS

05/26/2016 01:21 AM
Sikat na aktres, “nagbisi-bisihan” para di mainterbyu ng reporters
052516-blinditem.jpg

Dumayo sa napakalayong mall ang grupo ng reporters para mainterbyu sana ang sikat na aktres at ang ka-loveteam nito, pero nabigo silang makaharap ang dalaga.

Kitang-kita ng isang reporter na “nagbibisi-bisihan” ang young actress sa isang sulok ng tent at halatang ayaw magpaabala. Hindi rin niya nagawang bumati sa reporters na nasa loob ng tent. Dedma lang talaga siya.

Mabuti na lang at super bait ng ka-loveteam niya at pinakiharapang ang press. Halatang pagod na pagod na sa trabaho ang young actor pero may energy pa rin itong chumika sa press. Hindi man lang siya nag-inarte at panay pa ang smile habang iniinterbyu.

“That’s the right attitude,” tsika ng isang reporter. “Kaya naman blessed siya kasi totoo talaga siyang mabait,” dagdag pa niya.

Paalis na’t lahat ang ilang press na dumayo sa mall tour pero wala pa ring effort na mag-hi ang sikat na young actress. Maybe she’s really that  tired.
Wala ng clue ha. Nakiusap kasi ang kanyang management na huwag na raw isulat ang na-experience nila sa mall tour. Marahil daw ay sobrang napagod lang talaga ang dalaga kaya dinedma niya ang press.