• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla says wife Mariel Rodriguez is making a lot of sacrifices to secure her pregnancy.

Robin Padilla and Mariel Rodriguez share early pregnancy stories

Robin Padilla says wife Mariel Rodriguez is making a lot of sacrifices to secure her pregnancy.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/26/2016 01:24 AM
Robin Padilla and Mariel Rodriguez share early pregnancy stories
052516-MarielRobin_PUSH.jpgAng mag asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang bagong endorsers ng Sogo chain of hotels at sa kanilang media launch nag-kuwento ang dalawa kung gaano sila kasaya ngayon at buntis na muli si Mariel.

Unang nai-share ni Mariel na wala siyang pinagli lihi-an gaya ng sa ibang buntis. "Marami ako cravings pero walang consistent na gusto. Paiba-iba siya sa ngayon wala pa talagang ganun."

Si Robin, excited na buntis na muli si Mariel pero nai-share din ang mga sakripisyo ni Mariel ngayon na tatlong buwan na itong buntis. "Alam naman ng karamihan na hirap magbuntis si Mariel kaya ngayon talagang lahat ginagawa niya para lumaking malusog ang aming baby. Dati takot yan sa karayom pero ngayon pag gising niya siya pa naghahanap ng injection para sa pregnancy niya."

Nagbiro pa si Robin na kasama sa kanyang sakripisyo ay wala muna silang physical contact ng kanyang asawa. Naibahagi rin nila na kapag babae ay Maria ang ipapangalan sa bata at kapag lalake naman ay magiging Robinhood II naman ang pangalan nito.