Sa Pilipinas Got Talent season 5 ay 1st runner-up naman si Amazing Pyra at muntik pang mapagwagian ang title na nakuha naman ng Power Duo.
Sa katatapos lang na international singing competition sa Europe (Varna, Bulgaria) na Discovery International Pop Music Festival na ginanap nu’ng May 22 ay isang Pinoy transgender naman ang nanalo ng 2nd runner-up.
Si Angel ang kinatawan ng Pilipinas para sa Best Song at Best Singer category ng competition.
“Out of 57 countries, Philippines… I placed 2nd runner up. This is for you Philippines and to my LGBT family. Salamat sa lahat ng mga taong tumulong sa akin. I dedicate this award sa aking beloved countrymen,” pagmamalaki ng Fil-Am transgender.
“This award represents my blood and my talent and of course yung pakikiisa ng mga OFWs na naniwala sa akin and voted for me during the competition,” dagdag pa ni Angel.
Nasungkit ng Bulgaria ang grand champion sa naturang singing competition. First runner-up ang Romania at Malta at 2nd runner-up ang Philippines at Russia.
Tumanggap din si Angel ng special award na “Individualism Award” na ang ibig sabihin ay may originality o may sariling identity as an artist.
Tunay na Pinoy pride si Angel at sobra ang kasiyahan ng kanyang mentor, ang Net 25 newscaster, Philippine Socialite at produkto ng Star Magic na si Eduard Banez.
“We dedicate this award to all the people in the Philippines who are united in solidarity. I would like to thank all OFW who believe in my friend and helped her to pursue her dreams,” sey ni Eduard.
Mula pa lang sa umpisa ng laban ni Angel ay nandyan na at nakasuporta si Eduard.