• Home
  • Fresh Scoops
  • Maria Isabel Lopez shares her ‘kabogera’ Cannes experience

Maria Isabel Lopez shares her ‘kabogera’ Cannes experience

Maria Isabel Lopez says she’s not affected by bashers.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/25/2016 9:50 AM
Maria Isabel Lopez shares her ‘kabogera’ Cannes experience


052516-MariaIsabel_PUSH.jpgSa red carpet premiere ng pelikulang Love Me Tomorrow nakita natin at nagpa-interview ang kontrobersyal na ex beauty queen and actress na si Maria Isabel Lopez. Ito ang unang public appearance ni Isabel matapos ang kanyang trending na red carpet walk sa 2016 Cannes International Film Festival suot ang kanyang green na Albert Andrada gown.

Masaya si Isabel sa reactions ng netizens na natanggap niya. "Doon pa lang nababasa ko na ang reactions ng Netizens at masaya ako sa nababasa ko. Wala naman ako ginawang kakaiba kasi sa unang lakad ko sa red carpet ng Cannes para sa pelikulang Kinatay years ago pareho lang ang ginawa ko minus the Albert Andrada gown.” 

Nakiisa din si Isabel sa tagumpay ni Jaclyn Jose bilang Best Actress sa kanilang pelikula. "Ang saya saya! Pero alam mo afternoon pa lang malakas na ang ugong na malaki ang chance ni Jaclyn na siya ang mananalo as Best Actress and nangyari nga!"

Sa negative reactions naman na kanyang nakukuha ay di na affected si Isabel. "Sanay na sanay na ako diyan. Hindi ako affected basta dumami ang followers ko at mas marami akong napasaya sa nangyari" pagtatapos ni Isabel.