Handsome gasoline boy now Francis Libiran ramp model

Gasoline boy CJ Querol is now a ramp model

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/25/2016 09:47 AM
Handsome gasoline boy now Francis Libiran ramp model

052516-GasBoy_PUSH.jpgSa ulat ni Bernadette Sembrano sa TV Patrol, isa na ngayong ganap na ramp model ang nag-viral na gasoline boy na si Charles Joseph Querol. Ito ay matapos siyang makita ng international fashion designer na si Francis Libiran sa internet. Ani Francis, “I think in terms of being a model, pasado siya e. He has the right proportions to be a good male model here.”

Nag-viral at pinag-usapan ang litrato ni CJ sa social media dahil sa hindi lang gwapo kundi maganda rin ang katawan ni CJ. Marami rin ang nagtaka kung bakit sa gasoline station siya nagta-trabaho. Ani CJ, “Second year high school lang po kasi ang natapos ko. Hindi kami kayang pag-aralin ni Nanay ng sabay-sabay. Kinailangan ko na lang na mag-drop out, magtrabaho…”

12 years old pa lang si CJ nang iwan sila ng tatay niya. Tumulo ang luha ni CJ nang ikuwento niya ang hinanakit sa kanyang ama. “Naiinggit ako dun sa ibang pamilya na kumpleto, na makikita mo silang namamasyal na masaya. Bilang ama, anak mo pa rin kami, obligasyon mo pa rin kami. Ama ka hindi natatapos yung mga obligasyon mo sa mga anak mo.”


Pangarap din niya para sa kanyang pamilya ay, “ mindset ko nandun sa ano, makaipon ako. Makabili ako ng sariling bahay at lupa para sa Nanay ko. Para hindi kami nakikitira na lang.”

Masaya naman ang ina ni CJ na si Nenita. “Masarap pakinggan yun pala ang pangarap niya para sa akin.”