• Home
  • Fresh Scoops
  • Coleen Garcia says she is grateful for the trust that she has been given for her movie projects.

Coleen Garcia admits she feels pressured by Star Cinema

Coleen Garcia says she is grateful for the trust that she has been given for her movie projects.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/25/2016 09:49 AM
Coleen Garcia admits she feels pressured by Star Cinema
052516-ColeenGarcia_PUSH.jpgInamin ni Coleen Garcia, isa sa leading lady ni Piolo Pascual sa pelikulang Love Me Tomorrow na nakakaramdam siya ng pressure sa pagbi-build-up sa kanya ng Star Cinema bilang sexy dramatic actress.

Siyempre nakaka-pressure because there’s so many of my contemporaries who are really very talented, very versatile and who’ve been here for such a long time already,” deklara ni Coleen.

Pero I can’t complain no matter how pressuring it is, no matter how much I have to prove myself, at the end of the day it’s really such a blessing.

“And I’m so, so grateful talaga for the trust that Star Cinema has been given me. As in, abot langit yung gratitude ko sa kanila,” patuloy pa niya.

Ibinuking ni Coleen ang boyfriend na si Billy Crawford na kahit mas matanda raw ito sa kanya ay mahilig ito sa laruan.

Collector kasi siya ng parang Marvel na toys, yung mga collectors item kaya yon binigyan ko siya ng Apocalypse kasi yon yung upcoming Marvel movie. Yon ang hiningi niyang birthday gift sa akin.Mas matanda siya sa akin pero may mga toys siya,” natatawa niyang kuwento.

Two years na bilang couple ang relasyon nina Coleen at Billy at hindi na itinanggi ng aktres na may plano na rin silang magpakasal.

We talked about it pero it’s not going to happen any time soon. Siguro in a few years’ time. Parang lahat naman tayo kailangang may timeline siguro para sa sarili natin para hindi tayo nabibigla palagi.”

Totoo bang kinukulit na siya ni Billy na magpakasal?

Gustung-gusto na niya, pero siyempre, we both have to be sensitive towards each other kasi magkaiba kami ng age, magkaiba kami ng generation,” biro pa niya.

Pero hindi raw naman yon (age) magiging problema if ever man na magpakasal na sila.

I know naman that all we need to do is compromise. Compromise ako sa kanya, mag-compromise siya sa akin so we will meet somewhere in the middle,” katwiran pa niya.

Bukod kay Piolo at Derek Ramsay na nakapartner ni Coleen sa Ex With Benefits, may iba pa raw siyang Kapamilya actors na gustong makatrabaho in the future.

“I really hope to work with John Lloyd Cruz, Coco Martin and Paulo Avelino. Napapanood ko yung mga projects nila, magagaling at mahuhusay sila.