• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual has some concerns about new work hours as an actor and as a producer.

Piolo Pascual speaks up on DOLE’s 8 to 12 working hours

Piolo Pascual has some concerns about new work hours as an actor and as a producer.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/24/2016 09:10 AM
Piolo Pascual speaks up on DOLE’s 8 to 12 working hours
052416-PioloPascual_PUSH.jpgPiolo Pascual remains to be the epitome of a perfect leading man and an ultimate showbiz heartthrob. Kahit maraming nagsusulputang mga guwapong aktor, napapanatili ni Piolo ang kanyang karisma at paghanga ng mga tao at kapwa artista.

Muling mapapanood si Piolo sa pelikula ng Star Cinema na Love Me Tomorrow kasama sina Dawn Zulueta at Coleen Garcia. Ano nga ba ang secret ng hindi niya pagtanda?

“Nagpapapawis ako everyday. Kailangan mong ilabas yung toxins so pag late ang call time, bihis lang ako tapos suot ako ng mask tapos daan ako sa kalye na naka-sombrero kasi yung sun burn.

“Kahit nasaan ako tumatakbo ako tapos ligo. I guess that place a lot para ma-preserve natin yung katawan natin na kailangan talaga balanse yung llifestyle mo para mapatagal pa natin yung karera natin,” pagtatapat ng atkor.

Eh, ano nga ba ang reaksyon niya sa pagsasabing siya pa rin ang ultimate heartthrob ng showbiz?

“Trabaho lang naman sa akin ito, eh. You know, seriously, honestly, parang for me pag nilagay ko sa utak ko yon, baka lumaki lang ang ulo ko.

“As long as I know I’m doing my job... Yeah, puwede namang sabihin na, oo nasa pedestal ka, ikaw yan, pero bottom line, at the end of the day, these are all just compliments. Pag dinibdib mo baka yumabang ka pa.

“So parang for me, salamat pero I’m just doing my job. Basta ang trabaho ko lang is to present myself accordingly and not to waste my life. Kasi, kumbaga, ikaw yung produkto mo, eh. Kung ano man yung prinipresent mo, yung binibigay mo sa audience mo, yun ang ite-take nila,” paliwanag niya.

Nagbigay din ng pahayag ang bida ng Love Me Tomorrow sa bagong sistemang balak ipatupad ngayon ng DOLE (Department of Labor and Employment) sa mga taga-industriya na dapat ay 8 to 12 working hours na lang ang trabaho.

“I’m also a producer so nakakatakot... nakakatakot sa gastos. Siguro the important thing there is... yeah, you regulate the work hours but you also do a lot of preprods to avoid delays, to avoid more gastos, so there’s a way to it,” reaksyon niya.

“Pero siyempre, mas maganda nga na less working hour para at least, may magawa pa tayo sa buhay natin. Kasi basically, nakagawian na natin, before nga, more than 24 hours pa, eh. Pero now, nasa 18 hours na, pinapababa na nila ng 8 to 12.”

Hirit pa niya, “I think, reasonable naman yung 12 hours just like working in an office, pero huwag namang eight kasi bilang producer siguro, talung-talo ka do’n, eh.”

Mahirap daw i-apply sa gumagawa ng soap opera na ganu’n lang kalimitado ang oras ng trabaho.

“Kasi pag hand-to-mouth ka na, kahit may cut-off ka, wala kang ipapalabas pag ganu’n, eh. Compromise, eh. Everything is going to be compromised. It will take sometime bago ma-fully implement yung ganu’ng regulation.

“Kasi, automatic yan, pag inimplement mo na yan, mababawasasn ang talent fee ng mga tao, mababawasan ang talent fee ng artista, production, everyone else will be affected by it, so may cause and effect din yon,” katwiran pa niya.