• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaclyn Jose proudly shows off Best Actress trophy from the Cannes Film Festival

Jaclyn Jose shares excitement of winning Best Actress award in Cannes

Jaclyn Jose proudly shows off Best Actress trophy from the Cannes Film Festival

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/25/2016 12:47 AM
Jaclyn Jose shares excitement of winning Best Actress award in Cannes
052416-JaclynJose2_PUSH.jpgSa ulat ni Ginger Conejero mula sa TV Patrol, balik Pilipinas na si Jaclyn Jose at ang iba pang cast ng Ma’ Rosa. Kasama rin nila ang direktor ng pelikula na si Brillante Mendoza. 

Bitbit ni Jaclyn ang Best Actress trophy mula sa Cannes Film Festival 2016. Si Jaclyn ang kauna-unahang Pinoy na nanalo ng Best Actress award mula sa prestihiyosong film fest. 

Kwento ni Jaclyn tungkol sa kanyang pagkapanalo, “The way they say it ‘Jaq-lyn’ (French pronunciation of her name) nung dumugtong lang yung ‘Jose’ (dyo-say) saka lang (nag-sink in) oh my God ako yun. Siyempre ang layo talaga sa isip ko kasi ang bibigat ng kalaban, 21 good veteran actors and actresses… ang gaganda ng sinabi nila lahat sa film and parang majority talaga likes the film and chose me.” 

Very proud din ang kanyang anak na si Andi Eigenmann, na kasama niya sa pelikula, pati na rin ang apo na si Ellie, na sumalubong agad sa kanya sa airport.