Veteran actor Julio Diaz remains positive after surviving brain aneurysm

Julio Diaz is currently recovering in Baguio City.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/23/2016 04:35 PM
Veteran actor Julio Diaz remains positive after surviving brain aneurysm
052316-JulioDiaz_PUSH.jpgSa report sa Rated K kahapon, kinamusta ng programa kung ano na ang nangyari sa batikan na aktor na si Julio Diaz pagkatapos nitong magkasakit noong Abril. 

Nagsimula si Julio 32 years na ang nakakaraan bilang artista sa isang bold film na Sinner or Saint ng Regal Films. Pero dalawang taon lang at nakitaan agad siya ng husay bilang aktor sa pelikulang Takaw Tukso. 

Namayagpag naman ang karera niya simula 1986 hanggang sa dekada nobenta. Naging leading man siya ng mga premyadong aktres tulad ni Super Star Nora Aunor. Noong siya ay magaka-edad na gumanap rin siya bilang Andres Bonifacio at Macario Sakay sa mga pelikula ni Raymond Red.

Matapos noon sumabak naman si Julio sa mga indie films ni Brillante Mendoza tulad ng Serbis at Kinatay, hanggang sa maaksidente siya noong 2013 habang gumagawa ng isang pelikula. 

Aniya tungkol sa kanyang pagsabak sa indie films, “Totoo malaki ang kinikita namin nung araw pero hindi ako happy sa mga… pera-pera lang naman ang labanan diyan e.
Pero yung mga indie film ngayon kahit sabihin natin na ang bababa ng bigayan, kung iisipin ko yung fulfillment ko bilang aktor ang kompetisyon is yung papano mo hihigatan ang ginagawa mo sa sarili mo.” 

Nang makarecover si Julio sa kanyang aksidente, pa-isa isang pelikula o kaya guesting sa teleserye na lang ang ginagawa niya. 

Nitong April 2016, matinding sakit ng ulo ang naramdaman ni Julio at bigla na lang siyang bumagsak sa labas ng kanyang bahay sa Bulacan. Sabi ng mga doctor ang sanhi nito ay isang brain aneurysm. 


Nangailangan ng 1.5 hanggang 2 milyon ang pamilya ni Julio para sa operasyon niya. Humingi naman ng tulong ang kanyang kapatid na si Ana Marie Datuin sa social media para maging possible ang operasyong ito. Agad namang may mga kasamahan niya sa showbiz na tumulong para mapa-operahan ang aktor. 

Binigyan ng mga doctor ng taning na 24-48 oras para mabuhay si Julio pero dahil sa operasyon, nagkamalay siya matapos ang 12 days. 

Nagkita rin sila ng kanyang anak na 14 years nang nawalay sa kanya. “Nakakalungkot hindi ko nakita ang kanyang pag laki and then parang nice na niya sa akin. Siyempre, (it’s been) 14 years without seeing her e.”

Pagkalabas ng ospital, diretso naman si Julio sa Baguio kung saan nirekomenda ng mga doctor na magpagaling siya. Kailangan raw kasi ni Julio na manatili sa isang malamig na lugar para makarecover agad. 

Lubos ang pasasalamat ni Julio sa Diyos dahil binigyan muli siya ng isang bagong buhay at sa mga artisa na tumulong sa kanya.

57 years old na si Julio pero positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay. “Nowadays, ang sarap pala ng buhay na lumalaban ka. Ang Panginoong Diyos ay binigyan tayo ng buhay dahil mahal ka niya, dapat mahalin mo rin yun.” 

Umaasa rin siya na maitutuloy niya pa din ang pagiging isang artista kapag magaling na siya ng lubos.