Julia Barretto says things are getting better between her and dad Dennis Padilla

Julia shares she and Dennis are bonding in the gym.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/24/2016 02:00 AM
Julia Barretto says things are getting better between her and dad Dennis Padilla
052316-JuliaBarretto_PUSH.jpgSa katatapos lang na Star Magic Games ibinahagi ng magandang si Julia Berretto ang detalye ng muli nilang pagkakaayos ng tatay niyang si Dennis Padilla. 

Di daw sinasadyang iisa ang gym kung saan sila naka-enroll at ito daw ang naging daan para magkausap sila at muli ay magkaayos. 


"I’m so glad that little by little were able to patch things up, naayos na lahat and as a daughter, it makes me happy because at the end of the day he is still my dad kahit ano ang mangyari," kwento ng young actress. 

Papasukin na rin ng kanyang kapatid na si Claudia Barretto ang showbiz bilang isang recording artist. Ayaw mag-detalye ni Julia tungkol dito at hintayin na lang daw ang kapatid niya na mag kuwento. 

"I don’t want to give it away. I think she wants to surprise people. I don’t think it’s the typical OPM music that you hear nowadays. That girl is wise beyond her years, alam na nya ang ginagawa niya more than anyone," paliwanag ni Julia. 

Sa career naman niya bilang artista, sisimulan na ngayong June ang taping ng isang bagong teleserye kung saan makakasama niya si Bea Alonzo, na isa sa mga kanyang iniidolo. 

"It’s a dream to be working with them next month. People are giving me this chance and it’s not every day you get to work with veteran actors. When I entered showbiz, pangarap ko lang maka trabaho sila, tapos ngayon nangyayari na" sabi pa ni Julia.