• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica tearfully admits she was really hurt when she and John Lloyd parted ways.

Angelica Panganiban recalls lowest moment after breakup with John Lloyd Cruz

Angelica tearfully admits she was really hurt when she and John Lloyd parted ways.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/24/2016 01:59 AM
Angelica Panganiban recalls lowest moment after breakup with John Lloyd Cruz
052316-angelica2_main.jpgSa Gandang Gabi Vice, aminado si Angelica Panganiban na hindi pa siya totally recovered mula sa paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz. “Ako nga hindi pa nakaka-move on. Konti na lang, malapit na.” 

Hindi rin inalis ni Angge ang mga Instagram posts niya kasama si Lloydie. Pag-amin pa niya, tinitingnan niya “minsan” ang mga pictures na magkasama sila. Tiningnan diumano ni Angge ang last picture nila ni Lloydie at nasa isip niya, “Ito yung last picture namin. Saya pa namin. Huwaw.”

Kwento pa niya iniisip niya na minsan na nababaliw na siya dahil naamoy niya ang pabango ni Lloydie sa bahay niya. Dagdag pa niya, ini-spray din niya ang pabango ni LLoydie nang minsang makita niya ito habang namimili siya. Pag-uwi diumano ni Angge sa bahay nasabi niya sa sarili na “Bakit ganun? Ba’t ko inispray amuy na amoy ko tuloy…”

Bukod sa mga kwentong ito, hindi rin naging madali ang proseso ng pag-move on ni Angelica. Nang tanungin siya ni Vice kung “Nagpupunta ka pa sa mga lugar na napuntahan niyo?” sagot ni Angge ay, “Nung una hindi talaga. Kasi nag-Bali ako tapos may stopover na Hongkong… ‘Pag labas ko pa lang bigla akong parang nilamon ako, umiiyak talaga akong mag-isa, tapos natatawa ako, tapos umiiyak ako habang naglalakad. Tapos umupo na’ko, tapos tumatawa na ako, sabi ko grabe para akong tanga. Tama na, tama na.” 

Tinanong muli ni Vice si Angelica, “Sadya mong iniiwasan ang mga lugar?” Sagot naman ng aktres, “Oo, pero may nagsabi kasi sa akin na dapat daw dahan-dahan puntahan ko yung mga yun kasi kung hindi wala akong mapupuntahan, kawawa naman ako.”  

Biro pa niya kay Vice, “Muntik na akong lumipat ng network, pero sabi ko nga dahil may respect ako sa ABS-CBN, hindi na lang ako lilipat magre-retire na lang ako.” 

Isang malaking rebelasyon din ang pagkuwento ni Angelica sa huling pagkikita nila ni John Lloyd sa Hong Kong. “Nagpunta ako ng Hong Kong, sabi kasi ng mga kaibigan ko halika na mag-Hong Kong na tayo ganyan nung Holy Week, sabi ko sige na nga, tapos pagpunta ko ng Hong Kong, nandun sila.” 

Dagdag pa niya, “Oo nagkita naman kami, kasi nga tina-try naman namin yung best namin na maging magkaibigan naman kami. Ang sakit nga ng panga ko parang buong gabi masakit yung panga mo, pinipigilan mong maiyak tapos tatawa ka.” 

Si Lloydie diumano ang unang lumapit sa Hong Kong, pero sabi ni Angelica panay ang hanap niya ng charger dahil ayaw niyang mawalan ng battery ang kanyang cellphone. Ani niya, “Baka kasi may mag-text sa akin.” 

Nang mag-text naman diumano si Lloydie hindi rin naman niya kaagad sinagot ito. “Kasi kunwari tulog ka na ganun,” natatawa nitong pag-alala. Nang tanungin ni Vice kung naghihintay pa siya ng text ng kanyang ex, sabi ni Angelica ng pabiro, “Minsan. Ay baka mapanuod niya to mahuli niya ang style ko.” Minsan daw ay sinasabi niyang kakagising niya lang.  

Sa tanong kung magka-text pa din ba sila ni John Lloyd, sinabi ng Banana Sundae star na hindi na katulad ng dati ang kanilang communication. “Hindi naman madalas. Grabe naman yung madalas. Baka kung ano ang isipin ng mga tao. Hindi naman kami siyempre naglalandian sa text.” 

Paglilinaw niya ang mga messages lang ni Lloydie sa kanya ay pangangamusta lamang. 

Inamin din niyang nagkita na sila ulit ni John Lloyd. “Nagkikita.. Hindi. Nagkita lang. Get together lang.” Nilinaw din ni Angelica na, “mahirap minsan magkamustahan lang sa phone di ba. Minsan parang ano, pwede rin naman kayo magkita.” 

Ibinuking din ni Angelica na si John Lloyd rin ang nauunang mag-text sa kanilang dalawa. Pero aminado siya na noong una nagte-text rin siya sa aktor. “Noong umpisa, noong talagang parang ano, parang broken na broken ka. Parang ang dami mo pang gustong sabihin ganyan …” Nang tanungin kung ano ang mga sinasabi niya noon, sagot ni Angge, “Ang sakit sakit naman nito. Tama ba yung desisyon natin….” 

Nagseryoso naman si Angelica bigla at sinabi niyang, “Hindi alam mo seryoso, seryosong ano, baka nga maiyak pa ako e, nakita ko yung sarili ko na para bang sobra kang down….” 

Naging emosyonal at halos maiyak si Angelica sa puntong ito ng interview. Pagpapatuloy niya, “Kasi hindi ako nag-o-open up sa kaibigan ko, sa pamilya ko ganyan. So nung nakita ko yung sarili ko na ganun, (sabi ko sa sarili ko) huy girl tama na nakakaawa ka na, down na down ka na, bangon.”

Bago matapos ang palabas, nagbigay din ng payo si Angelica sa mga ilang manonood ng GGV na may problema sa pag-ibig.