• Home
  • Fresh Scoops
  • Hugot Queen Angelica Panganiban says she’s not angry with ex-boyfriend John Lloyd Cruz.

Angelica Panganiban on split with John Lloyd Cruz: ‘Wala akong bitterness'

Hugot Queen Angelica Panganiban says she’s not angry with ex-boyfriend John Lloyd Cruz.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/24/2016 01:58 AM
Angelica Panganiban on split with John Lloyd Cruz: ‘Wala akong bitterness'
052316-angelica1_main.jpgSa Gandang Gabi Vice, sinabi ni Angelica Panganiban na siya ay “kinda super okay.” Taliwas ito sa mga hugot lines niya matapos ang breakup nila ng kanyang boyfriend for 4 years na si John Lloyd Cruz kung kaya’t nabansagan na rin siyang “Hugot Queen.” 

Nang tanungin ng host na si Vice Ganda kung naka-recover na siya sagot naman ni Angelica ay, “No. Slight na lang.” 

Pero dagdag niya, “Kasi ano e, mga 4 hours na akong hindi umiiyak. Ito yung pinakamatagal ko kaya iba yung look ko ngayon. Minsan kasi, e sikat ‘di ba, ang daming billboard, kaya pag nakita ko, anu ba yan maiiyak nanaman ako, ganun.” 

Nagbiro pa si Angelica at sinabing, “Lesson learned talaga. Wag sikat.” 

Sinabi rin ni Angelica kung ano ang natutunan niya sa breakup nila ni Lloydie.

“Pinakamagandang natutunan ko dito ay maging positive ka lang lagi. Siguro wala akong bitterness, wala akong ill feelings sa kahit na sino.” 

Sinabi ni Vice na hindi nagsasalita ng kahit na anong masama si Angge tungkol kay John Lloyd, patunay na hindi ito galit sa ex. 

“Hindi talaga. Kasi ‘di ba hindi niyo na nasave ang relationship niyo as a couple, why not i-save ang relationship niyo bilang magkaibigan?” 

Aminado naman si Angelica na hindi niya naging kaibigan ang tatlong ex-boyfriends niya. 

Dagdag pa niya lahat “bigo” ang kinahinantnan ng tatlong relationships na yun, pero, “Tinanggap ko, nagpatawad ako.”

Agree din si Angelica kay Vice na hindi naman talaga sila “bigo” sa pag-ibig. 

“Totoo. Kasi kung babalikan niyo, bakit ka magiging bitter ‘di ba, kung mas maraming beses ka naman naging masaya dun sa taong ‘yun. Walang katumbas ‘yung sayang ‘yun sa nangyaring paghihiwalay ninyo.” 

Dagdag pa niya, “Malungkot lang pero lagi mong iisipin kung bakit naging ganun kasakit kasi naging ganun ka kasaya. At dapat yun ang nagma-matter e, yung pinagsamahan niyo, yung saya, yung respeto na binigay ninyo sa isa’t isa and ‘yun hindi mo yun matutumbasan ng kahit na ano, para gawing katatawanan, yung pinagdaanan niyo ibulgar niyo sa mga tao kung ano naging problema ‘di ba?”