• Home
  • Fresh Scoops
  • Trina Legaspi reacts to issue ‘na napag-iwanan’ by ‘Goin’ Bulilit’ batch mates Julia Montes and Kathryn Bernardo

EXCLUSIVE: Trina ‘Hopia’ Legaspi now ready to pursue showbiz career after finishing college

Trina Legaspi reacts to issue ‘na napag-iwanan’ by ‘Goin’ Bulilit’ batch mates Julia Montes and Kathryn Bernardo

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/22/2016 08:53 AM
EXCLUSIVE: Trina ‘Hopia’ Legaspi now ready to pursue showbiz career after finishing college
052216-trina.jpgKasabayan noon sa Goin’ Bulilit nina Kathryn Bernardo at Julia Montes si Hopia na ang bagong screen name ngayon ay Trina Legaspi. Mas umangat ang career nina Julia at Kathryn kumpara kay Trina na nawala ang identity simula nu’ng nagdalaga na.

Kasi po mas sanay talaga sila don sa mataba na ako, yung Hopia na nakilala nila. Hindi nila alam na dalaga na po ako ngayon.

Kumbaga, gusto ko pong malaman nila na hindi na ako si Hopia. Ako na ngayon si Trina, na ready ng mag-take ng mga mature roles at hindi na lang puro comedy or puro teetums. Buti na lang po dito sa Pare, Mahal Mo Raw Ako, nabigyan ako ng chance na maging leading lady ni Michael (Pangilinan) at sana tuluy-tuloy na,” pahayag ni Trina.

Eh, ano ba ang feeling na parang napag-iwanan na siya nina Kathryn at Julia na ka-batch lang niya sa Goin’ Bulilit?

Well, siyempre malungkot siya talaga. Kasi feeling mo, napag-iwanan ka talaga. Pero kasi, at least, ngayon nagkaroon ako ng time na mag-focus sa school. Matatapos na ako ngayon, Communication Arts sa Miriam College. Hindi naman waste of time.

But at the same time, dahil nando’n na nga sila sa taas, parang ang feelng ko... may possibility, kasi sila nando’n na, eh, so kailangang i-maitain nila. Eh, ako papunta pa lang.

Parang feeling ko, mas madali para sa akin yon. Iniisip ko na lang na ako yung next in line. Nando’n na sila so parang ako na yung next, ganu’n po,” very confident niyang pahayag.

Ayon pa kay Trina, hindi pa raw naman tapos ang labat at posible pa rin daw umangat ang kanyang career.

Naniniwala po ako na may time lang talaga for everything. Siguro hinayaan lang sa akin ni Lord na magtapos muna ako sa pag-aaral para wala na akong iintindihin at wala rin akong regrets. And now, sa tingin ko, ito na yung time ko sa career, focus na.”

Hindi rin daw siya nawawalan ng pag-asa na darating din ang kanyang panahon sa showbiz.

“I’m only 21. I think, maggi-give-up na lang ako pag siguro 30 (years old) na ako. Ngayong may chance pa, push lang po nang push.”

Kung saka-sakali, career path daw ni Toni Gonzaga ang gusto niyang tularan.

Gusto ko yung multi-media. Yung kayang kumanta, umarte, sayaw, lahat pati hosting. Kahit feeling ko parang nagsisimula ako ulit, alam ko namang hindi ako pababayaan ni Lord na maabot yung mga pangarap ko,” positibo niyang pananaw.

Naging kasabayan din noon ni Trina si Kiray at ayon sa dalaga, masaya rin siya sa magandang takbo ng career ng komedyante.