• Home
  • Fresh Scoops
  • As the actress celebrates her 20th year in showbiz, she reveals the challenges she went through including bad experiences because she was a “Laurel.”

EXCLUSIVE: Denise Laurel reveals people were mean to her because of her last name

As the actress celebrates her 20th year in showbiz, she reveals the challenges she went through including bad experiences because she was a “Laurel.”

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/23/2016 03:32 AM
EXCLUSIVE: Denise Laurel reveals people were mean to her because of her last name
052316-denise_main.jpgDenise reveals her ‘untold story’ of being an extra before
 
Matagal na sa showbiz si Denise Laurel. She will mark her 20th year sa showbiz industry on  Sept. 30. Hindi pa raw kasama do’n ang kanyang theater years.

 “I started theater 6 years old pa lang ako. Sa TV, 10 years old ako. Ang tagal ko na ‘di ba? At kahit anong nangyari sa career ko, I never gave up!” pagmamalaki ng singer-actress.

Paano ba siya tumagal ng ganu’n sa industriya na ang karamihan ay bigla na lang nawawala sa limelight?

“You know what, I keep my head down, stay humble, focus on what my directors wants of me. Focus on what I deliver.

“Kaya if you ask me tsismis, you ask me what’s going out in the world, dati hindi ko alam kasi batang set lang talaga ako. Kung anong nangyayari sa set, talagang binababad ko yung sarili ko do’n.

“Kahit pack-up na ako mag-i-stay pa ako. Mag-a-AD (assistant director) pa ako. Magpi-PA (production assistant) ako. Gusto ko talagang matutunan lahat para masabi kong alam ko yung mga ginagawa ko,” kuwento pa niya.

Nagsimula rin daw siya bilang extra noon bago nakilala sa showbiz.

“I used to ride in tricycle, in jeep, bus and go by myself to tapings. Wake up extra early, ride with the service. I paid my dues.

“I started as an extra. I never ask for any connection or help with my family. People were mean to me when I was starting in the industry because I was a Laurel,” pagre-recall niya.

Ayon pa kay Denise, ngayon lang niya ikinuwento ang tungkol sa mga pinagdaanan niya in her 20 years sa showbiz.
“I never talked about it before but it was really hard to be in the industry because I looked the way I looked and I spoke the way I spoke and I had my last name.

“I started from the bottom talalaga, extra, riding on a service, taking tricycle.  I never had a yaya growing up. Hindi ko talaga ito kinukuwento before pero ganu’n ako nagsimula,” sabi pa niya.

Ano naman ang masasabi niya sa mga baguhang artista na ngayon ay pinagdadaanan din yung mga na-experience niya before?

“Simple lang, don’t give up and always do your best. Dapat lagi riing humble and always put your feet on the ground.

“Ako, I never gave up kahit pa anong nangyari sa buhay ko. Nag-persevere talaga ako. And if you really like what you’re doing, di ka naman hihinto, right? Ganu’n lang dapat yung attitude. Laban lang nang laban,” payo ng aktres.